Ito ang pahayag ng actress-politician na si Lani Mercado sa napipintong paghaharap sa pulitika ng anak na si Jolo Revilla at ng anak ni Senator Ping Lacson sa susunod na eleksyon: "Hindi naman ito personalang labanan. It is in the spirit of politics kaya nagkakaroon ng ganitong sitwasyon, na may lumalaban. We have accepted the fact na may lalaban at lalaban kay Jolo. Pero sana, patas lang ang labanan."

Photo: Noel Orsal

Engrande ang naging birthday party ni Senator Bong Revilla sa Diamond Hotel kagabi, September 24. 

Hindi mahulugang-karayom ang malaking function hall ng hotel sa dami ng dumagsang mga bisita.

Gaya ni Senator Bong, sobrang saya rin ng misis niyang si Congresswoman Lani Mercado dahil dagsa ang mga kaanak nila at kaibigan, at maging mga malalapit sa kanila mula sa mundo ng showbiz at sa larangan ng pulitika.  

“Kung masaya siya, doble rin ang saya ko,” masiglang pahayag ni Lani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media. 

“Natutuwa siya kapag nakikita niyang maraming pumupunta sa kanyang kaarawan, lalo na yung mga espesyal sa buhay niya.

“Ang wish ko for him is magkaroon siya ng kalakasan at kalusugan para magampanan niya ang lahat ng responsibilidad sa darating na taon. 

“Sana maging maliwanag sa kanya ang mga bagay-bagay. 

"Bilang mentor namin sa larangan ng pulitika, kailangan nandun yung knowledge at liwanag ng pag-iisip.”

Ngiti ang unang naging reaksiyon ni Lani sa birthday wish ni Senator Bong, na hangad nitong manalo ang kanilang anak na si Jolo Revilla, sa pagtakbo nito bilang vice governor ng Cavite, at maging sa re-election ni Lani bilang congresswoman.

(CLICK HERE to read related story.)

“Alam n’yo naman na siya lagi ang gumagabay sa amin, e. Siya yung itinuturing namin na campaign manager.

“Kung matatandaan ninyo, 2010 election, he left thirty days of his campaign [sa pagka-senador] para lang tumutok sa amin. 

“Ngayon, mas iba ang sitwasyon dahil anak na namin ang isa sa mga tumatakbo,” saad ng actress-politician.

SUPPORT FOR JOLO. Bilang ina, ano ang nararamdaman ni Lani na desidido nang pumalaot sa mundo pulitika ang anak na si Jolo?