Nilinaw ni Bela Padilla na bagamat tinanggap niya ang mapangahas na role sa afternoon series na Magdalena, hindi nangangahulugan na panay sexy roles na ang gagampanan niya. Aniya, “I don’t want want to give the impression that I’m gonna start doing sexy roles because of Magdalena. It’s just that I’m doing a sexy role now. Then, after this, let’s see where I can go. I don’t wanna think, like, after this, all my roles are gonna be like sexy.”

Photo: Noel Orsal

Tikom ang bibig ni Bela Padilla tungkol sa kanyang lovelife.

Sa press conference ng pagbibidahan niyang GMA-7 afternoon drama series na Magdalena, tinanong si Bela kung mayroong magseselos dahil tatlo ang kanyang leading men dito: sina Dion Ignacio, Ryan Eigenmann, at Pancho Magno.

Natawa lamang ang Kapuso actress at sinabing, “Wala naman.”

Sabi pa ni Bela, ang trabaho sa showbiz ay hiwalay sa kanyang personal na buhay.

“My work has been here with me.

“It’s been instilled in me for so long that I only answer to myself and my mother—that’s it.

“If it’s okay with me and my mom, then it’s okay.

“I’m super focused in my career right now. It’s like, this is the only thing I will really invest on.

“This is the only thing that I will stay up for kahit hanggang 8 a.m. the next day.

"Ito pa rin talaga yung first calling ko. Ito pa rin yung first love ko.”



MUM ABOUT HER LOVELIFE. Kamakailan ay nagsalita si Maxene Magalona tungkol sa nababalitang relasyon ng dati niyang boyfriend na si Neil Arce at ni Bela.

Ayon kay Maxene, sinabi mismo ng dating kasintahan ang tungkol sa kanila ni Bela. Ito ay dahil nanatili silang magkaibigan ni Neil pagkatapos ng kanilang breakup.

(CLICK HERE to read related article.)

Subalit sa press conference kagabi, September 24, pinili ni Bela na huwag nang magsalita tungkol dito.

Gusto raw niyang maging pribado pagdating sa kanyang mga personal relationships.

Paliwanag pa ni Bela, “Kasi parang lahat ibinibigay ko na sa showbiz.