news

Jolo Revilla on being seen with Jodi Sta. Maria in Hong Kong: “Masasabi natin doon, what you see is what you get.”
by Interview by Noel Orsal / Text by Joyce Jimenez posted on September 25, 2012  STATS: 25369 Views | 8 Comments

Pinili ni Jolo Revilla na umiwas sa mga katanungan kaugnay sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria. Paliwanag ng actor-politician, “I just want to make my personal life private.”

Photo By: Noel Orsal

Buo ang suporta ni Senator Bong Revilla Jr. sa plano ng anak na si Jolo Revilla na tumakbo bilang bise gobernador ng Cavite sa 2013 elections.

Tiwala raw ang senador sa kakayahan ng anak na pamunuan ang mga Caviteño. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ng kanyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon, mayroong usap-usapan na tuluyan nang tatalikuran ni Jolo ang showbiz.

Nilinaw naman ito ng young actor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media sa birthday celebration ng kanyang ama kagabi, September 24, sa Diamond Hotel, sa Maynila.

Ani Jolo, sa ngayon ay magko-concentrate muna siya sa pulitika, pero hindi niya tuluyang iiwan ang showbiz dahil “dito tayo nagsimula, e, dito tayo nakilala.”

ON JODI STA. MARIA. Samantala, inalam din ng entertainment press kay Jolo kung makakasama ba niyang mangampanya sa eleksyon ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

“Hindi pa natin alam,” maikling sagot ni Jolo.

Si Jodi ang napapabalitang karelasyon ngayon ni Jolo.

Posibleng makalaban ni Jolo sa pagka-bise gobernador ng Cavite ang anak ni Senator Ping Lacson na si Ronald Jay Lacson.

Si Ronald Jay ay kapatid ng estranged husband ni Jodi na si Pampi Lacson.

Kaya naman sa buong interview, ilag si Jolo sa mga tanong  patungkol kay Jodi.

Paulit-ulit ang sabi niya ng: “Ayaw ko muna pag-usapan ‘yan.”

Aniya pa, “I just want to make my personal life private.”

Pero mayroon pa rin ilang tanong na nakalusot sa mga pag-iwas ni Jolo.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • Adikreader

    09/26/2012 | 08:22 AM
    a mother with a son and a father with a daughter equals happy family. haiz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    09/26/2012 | 08:12 AM
    sad naman sayo pa.napunta si jodu. ano na pala nangyari sa murder ng tito mo? nawala na sa news?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mrsenchong
    09/26/2012 | 10:25 AM
    tito nya nga pala si ram ano?
  • randylove

    09/26/2012 | 08:06 AM
    Feeling gwapo ang batang ito. Kung hindi naman ito Revilla, hindi makikilala.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    09/26/2012 | 02:01 AM
    Ano pa ba ang bago sa mga Bautista aka Revilla clan, yung ina na wala namang experience sa pulitika congresswoman kaagad ang dinale tapos yung anak baranggay captain kaagad to vice governor, nakakasuka na kayong pamilya kayo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    09/25/2012 | 09:57 PM
    eto ang tatakbo ata sa pagka vice gov. over confient naman masyadao. di naman sa inaano ko sya ehh may alam k sya sa gagawin nya. kaloka tong pamilyang to, bagsakan ang politika, wawa ang cavite
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kungfushoes

    09/25/2012 | 09:36 PM
    bat gagamitin si jodi? gaano na ba kasikat si jodi para gamitin? at kahit na siguro sinong artista pa ang gamitin ni jolo, i doubt na manalo yan sa eleksyon. nakatapos ba yan ng pagaaral? di ko pa ata yan naringgan ng words of wisdom! puro babae lang inaatupag.. like father like son.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    09/25/2012 | 08:05 PM
    sana totoo yan jolo at di ginagamit si Jodi bagay pa naman kayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2828cris

    09/25/2012 | 07:43 PM
    Akala q si b0ng ang nsa pic?hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About