Ito ang pahayag ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes tungkol sa nabulilyasong negosasyon sa pagitan ng GMA Network at MediaQuest ni Manny V. Pangilinan: “Ako, naniniwala ako, everything will always fall into its proper place. If it’s not meant to be, it’s not meant to be. Maybe not now, but I really have no idea. Pero definitely, kung anuman na hindi natuloy ngayon, may dahilan."

Photo: Noel Orsal

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes kung sino para sa kanya ang tatlo sa pinakamagagandang local female celebrities, bukod sa kasintahan niyang si Marian Rivera.

Pagkatapos isipin nang mabuti ang kanyang isasagot ay sinabi ng Belo Men endorser, “Si Dina Bonnevie kasi… hindi ko alam.

"Parang… bata pa lang ako, alam kong… nakikita ko yung kanyang kagandahan.

"Nung nag-i-start siya, iyon yung time na nanonood ako ng TV, nakikita ko siya, so markado talaga yung kagandahan niya, tsaka very Pinay.”

Pinagpantasyahan o inilusyon ba niya si Dina noon?

“Hindi ko masabing inilusyon, basta nagagandahan,” sagot ni Dingdong nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, October 9, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Patuloy niya, “Of course, si Miss Dawn Zulueta.

“Hindi nag-e-age yung kanyang beauty because kung ano yung kagandahan niya, magmula noong una ko siyang nakita hanggang ngayon, e, parang tila walang pagbabago.”

Nakasama ni Dingdong si Dawn sa fantaserye ng GMA-7 na Encantadia noong 2005, samantalang si Dina naman ay nakasama raw niya sa isang proyekto na hindi na niya maalala.

Ang pangatlo sa listahan ni Dingdong ay ang nakasama niya dati sa I You Pare na si Ms. Celia Rodriguez.

Sabi ng aktor tungkol sa beteranang aktres, “Nakita ko kasi yung mga litrato niya noong nagkukuwentuhan kami, tapos hanggang sa ngayon…

“Kasi para sa akin, yung kagandahan yung talagang kung paano niya dinadala yung sarili niya, e.

“Yung parang parating ayos siya, parating elegante, so hindi nawawala yung kanyang spark sa sarili, parang ganun. So, iyon.”

Kung may pelikula na May-December affair ang tema, si Dina o si Dawn ba ang gusto niyang maging kapareha?

Sagot ni Dingdong, “Ako, wala akong problema sa mga ganun.