Hati ang opinyon ng Kape at Balita hosts at GMA News reporters na sina (L-R) Michael Fajatin, Mariz Umali, Susan Enriquez, at Joey Reyez Zobel tungkol sa kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law. Alamin kung sino sa kanila ang pabor at hindi pabor sa bagong batas na ito.

Photo: Courtesy of GMA-7

Noong nakaraang linggo ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang news reporters ng GMA-7 na magiging hosts sa Kape at Balita.

Ang Kape at Balita ay ang bagong morning show ng GMA News TV na magsisimula sa October 22.

Kasama sa mga host nito sina Susan Enriquez, Mariz Umali, Michael Fajatin, at ang radio commentator na si Joel Reyes Zobel.

At dahil isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Law ay itinanong ng PEP sa apat na reporters ang opinyon nila rito.

Hati ang opinyon ng Kapuso reporters; dalawa sa kanila ay payag sa batas at ang dalawa naman ay tumututol dito.



SUSAN ENRIQUEZ. Isa si Susan Enriquez sa mga umaayon sa Anti-Cybercrime Law.

Ayon sa kanya, kailangan kasing protektahan ang mga nabu-bully sa Internet.

Pahayag ni Susan, maging siya ay madalas nakakatanggap ng paninira sa social media.

Saad niya, “Kasi, minsan lang, merong mga umaabuso. Merong gusto lang siraan yung isang tao.

"Minsan below-the-belt na, wala namang basis yung paninira mo.

"Ang pinakamasaklap pa nun, may nagke-create ng account ng tao na hindi naman talaga siya yun!

“Oo, ako, minsan masakit ang sasabihin, hindi mo na lang papatulan yun.

"Ang problema kasi nito, kasi madali kaming banatan kasi nakikita kami sa TV, di ba?

"Samantalang yung bumabanat sa 'yo, hindi mo kilala.”

Dagdag pa ni Susan, tama na protektahan ang freedom of speech, pero dapat daw ay gawing mas responsable ito.

“Dapat ano din tayo, responsible din tayo. Mare-regulate din.