Kinumpirma ni Anne Curtis na pinagsabihan siya ng ABS-CBN na huwag babanggitin ang pangalan ng dating Kapamilya na si Derek Ramsay tuwing ipinu-promote niya ang pelikula nilang A Secret Affair sa It's Showtime at iba pang shows ng ABS-CBN.

Photo: Nimfa Chua

Kinumpirma ni Anne Curtis sa presscon ng A Secret Affair kagabi, October 15, na totoo ang balitang hindi puwedeng banggitin ang pangalan ni Derek Ramsay sa tuwing ipinu-promote niya sa It’s Showtime ang kanilang pelikula.

“Opo" ang sagot ni Anne nang tanungin siya kung totoo ang isyu na hindi niya maaaring sabihin sa noontime show niya sa ABS-CBN ang pangalan ng kanyang leading man sa movie project ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa October 24.

Saad pa ng Viva talent, “Ano ang magagawa ko, di ba?

“I mean, in the beginning, yes, I was frustrated of the thought that I couldn't even say the name of my leading man on Showtime.

“But, at the end of the day, that's the way it’s supposed to be.

“I mean, they have their own reason so I have to respect that, bilang nagtatrabaho po ako doon [ABS-CBN].

“So, ayoko na lang to imbibe the negativity, di ba?

“Think about the positive na lang and all-out na lang on other channels.”

Tinanong din ng press si Derek kung ano ang reaksiyon niya sa direktibang ito mula sa kanyang dating home network.

Sabi niya, “At first, my reaction was I was a little bit upset, but I wasn't mad.

“Like Anne said, I'm sure they have their reason why so I will just respect it.

“What can I do? I respect the decision.

“Like Anne said, we will just focus on the other channel or other promo.

“Sad, but that's the way it is."

Ang  paglipat ni Derek sa TV5 noong April ngayong taon ang sinasabing dahilan kaya hindi puwedeng banggitin ni Anne ang kanyang pangalan sa promo ng A Secret Affair sa It’s Showtime at ibang programa ng Kapamilya network.