[x]

Kung sakaling siya raw ang palaring manalo sa Artista Academy, ibibigay raw ni Sophie Albert ang kanyang premyo sa kanyang ina upang makatulong sa kanilang pamilya at sa ama nitong may sakit. Aniya, “Actually, yung gusto kong mangyari, pag nanalo ako ng ten million, gusto ko mabigay sa mommy ko yung ten million na yun.”

Photo: Noel Orsal

Habang papalapit ang grands finals ng Artista Academy sa TV5 sa October 27, unti-unti namang lumabas ang mga siktreto ng anim na natitirang finalists.

Natuklasan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang strong contender para sa Best Actress na si Sophie Albert ay isa palang Cojuangco.

Naibulong ito sa PEP sa presscon ng Artista Academy noong Linggo ng hapon, October 21, sa Napa Restaurant sa Quezon City.

Hindi naman ito itinanggi ni Sophie nang eksklusibo namin siyang makapanayam sa presscon proper.

“Yes, I’m related to the Cojuangcos—my dad is a Cojuangco,” pag-amin agad ni Sophie.

Paano naging Cojuangco ang daddy niya?

“Yung mom ng daddy ko, yung lola ko po, sister siya ni the late President Cory Aquino.

“So, magkapatid ang mommy ng dad ko at si President Cory po.”



WELL-KEPT SECRET. Bakit hindi niya sinabi ang pagkakaroon niya ng relasyon sa mga Cojuangco sa simula pa lang ng contest?

“Ayoko talaga,” diin ni Sophie.

“Ayokong sabihin... I didn’t want na isipin nang mga tao na kaya ako nakapasok ay dahil doon.

“So, kahit sa mga tao sa Artista Academy, hindi nila nalaman until I have to give my dad’s full name.

“So, Cojuangco ako—doon lang nila nalaman.

“Pero hindi ko talaga sinasabi kahit kanino before.”

Bakit finally ay ni-reveal niya na rin sa mga kasamahan sa Artista Academy ang tungkol dito?

“Ahmm… nalaman na lang nila bigla.