“Yung feeling ko na na-feel ko sa Norway, na nalaman ko at nakapag-decide ako na pupunta ako sa Pilipinas para mag-artista, yun din yung feeling ko nung lumipat ako sa GMA," paglalarawan ni Rafael Rosell sa kanyang paglipat sa Kapuso network.

Photo: Noel Orsal

Nilinaw ng bagong Kapuso na si Rafael Rosell ang usap-usapan na kaya siya umalis sa ABS-CBN dahil pakiramdam daw niya ay walang nangyayari sa kanyang career doon.

“I think that’s what everyone is thinking,” sabi ni Rafael.

Pero kampante siya sa pagsasabing “I don’t think I burned any bridges.”

Kuwento pa ni Rafael, “Nakakausap ko pa rin mga kaibigan ko doon. Tapos yung handler ko, nami-meet ko rin every now and then.

“Siyempre, hindi naman nawawala yung pagmamahal ko doon.

“Pero kumakalat talaga na may iniwan ako na sama ng loob—hindi totoo yun.

“Lumipat ako dahil naghahanap ako ng pagbabago, pagbabago lang sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa presscon ng unang major project niya sa GMA-7, ang Temptation of Wife, noong Lunes, October 22, sa Studio 7 ng GMA Network.



CHANGES. Pero anong klaseng "change" ba ang hinahanap ni Rafael?

Sagot ng Filipino-Norwegian actor, “Environment, environment or change sa buhay.

“Siyempre, sobrang risk yung ginawa ko. Di ba, hindi mo basta puwedeng gawin iyon?

“So, dahil dun, nagkaroon ng excitement sa bagong station, bagong tao.

“Feeling ko talaga, mag-aartista ako ulit.

“Yung feeling ko na na-feel ko sa Norway, na nalaman ko at nakapag-decide ako na pupunta ako sa Pilipinas para mag-artista, yun din yung feeling ko nung lumipat ako sa GMA.”

Kailan niya na-realize na gusto na niyang lumipat?

“One month din akong no communication with anyone para lang maramdaman ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay.