Ayaw makialam mi Yassi Pressman sa isyu na kinasasangkutan ng co-star niya sa Cielo de Angelina na si Bea Binene. Pero sabi niya: “Pero siyempre, ako po, shocked din po ako… mabait po kasi si Bea. Sobrang innocent na parang wala talaga akong naiisip.”

Photo: Noel Orsal

Kontrabida ang karakter na ginagampanan ng Kapuso young actress na si Yassi Pressman sa morningserye ng GMA-7, ang Cielo de Angelina.

Ang Cielo de Angelina ay pinangungunahan ng tambalang Bea Binene at Jake Vargas.

        

Sabi ni Yassi tungkol sa kanyang role, “Ako rito si Rhoda bilang kontrabida ni Bea.”

Kina-career na ba niya ang pagiging kontrabida?

“Well, actually po, yung sa Luna Blanca, yun po ang first na mean na mean po.

“Kasi sa Tween Academy naman po, parang pa-cute na maarte lang.

“Pero sa Luna po, parang pineg nila na masama.

“Dito naman po, mas masama.”

So, pasama na nang pasama ang karakter niya?

“Parang ganun nga po.

“Pero okay naman sa akin kahit na anong role ang ibigay nila.

“Ayoko na rin naman po na maging choosy.

“Gusto ko na rin po yung ibang-iba sa akin para talaga pong ma-adapt ko ang character at pagkatapos, natsi-change ko po ang sarili ko.”

YOUNG KONTRABIDA. Minsan kapag nasimulan ng kontrabida, nata-typecast na talaga sa ganung role.

Sabi ni Yassi, “Tanggap ko naman po yun na mahirap mag-shift. Pero, nandoon ang challenge naman.”