GMA-7 teen star Barbie Forteza said she and her previous loveteam partner Joshua Dionisio talked about the latter’s sabbatical from showbiz only once. The young actress is certain that Joshua will make a comeback. Barbie says, “Makakabalik naman siya. Puwede naman siyang makabalik uli kaya ayoko magba-bye kasi feeling ko, magkikita pa kami ulit.” 

Photo: Noel Orsal

Excited ang Kapuso young actress na si Barbie Forteza para sa pagpapalabas ng bago niyang programa na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sa ilalim ng direksiyon ni Mark Reyes, ang latest “telefantasya” series ng GMA-7 ay magsisimula na sa Nobyembre 5, Lunes.

Isang halakhak na lamang ang naisagot ng nagdadalagang si Barbie nang batiin siya sa kanyang pagbibida muli sa primetime slot ng Kapuso network.

Huling lumabas ang batang aktres sa unang yugto ng soap na Luna Blanca.

Sa Paroa, gagampanan ni Barbie ang karakter ni Mariposa, isang batang naaapi dahil sa kanyang pambihirang hitsura.

Mababanggit sa umpisa pa lamang ng istorya na hindi ordinaryong tao si Mariposa dahil siya ay ang prinsesa ng kaharian ng mga “paroa” o mga taong paru-paro.

Kabilang sa cast ng Paroa ang mga aktres na sina Agot Isidro, ang kukupkop at magpapalaki kay Mariposa; at Tanya Garcia, ang reyna ng mga paroa at ang tunay na ina ni Mariposa.

Kasama rin sa teleserye si Derrick Monasterio, ang gaganap na kaibigan at kapareha ni Barbie; at ang teen actors na sina Joyce Ching, Rita de Guzman, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.

Sa ikalawang pagtatambal nila ni Derrick, sinabi ni Barbie sa press launch ng Paroa kagabi, Oktubre 24, sa 17th floor ng GMA Network, na hindi pa rin niya inakalang makakapareha niya ang binatang naging leading man na rin niya sa Luna Blanca.

Bago si Derrick ay halos dalawang taon ding ka-loveteam ni Barbie ang Kapuso tween actor na si Joshua Dionisio.

Kamakailan lamang ay nagdesisyon si Joshua na lisanin muna ang pag-arte upang tapusin ang high school.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kung hindi ba niya nakukumpara sina Derrick at Joshua, mabilis na sumagot ang teen star na: “Hindi! Kasi ang sama ko naman kung magko-compare ako, di ba?

“Basta pareho silang masarap kasama. Parehas naman silang sweet.”

Bagamat “pressured” siyang magsuot ng high heels ngayon dahil matangkad ang kanyang leading man, sinabi ni Barbie na “kapatid” ang tingin niya sa dalawa.

Wika niya, “Parehas silang makulit!