Wala raw munang panahon si Derrick Monasterio sa pag-ibig dahil naka-focus siya sa kanyang career ngayon. Sabi ng Paroa leading man, “Love can wait. Sa ngayon, strike while the iron is hot. Kumbaga, ito na yung biggest break ko, ngayon pa ba ako magloloko?”

Photo: Noel Orsal

Iginiit ng Kapuso teen actor na si Derrick Monasterio na magkaibigan lang sila ng bago niyang ka-loveteam na si Barbie Forteza.

Wala raw ligawan na nangyayari sa pagitan nila ng tween queen ng GMA-7, na kapareha niya sa upcoming primetime series na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sabi ni Derrick, “Love can wait. Sa ngayon, strike while the iron is hot.

“Kumbaga, ito na yung biggest break ko, ngayon pa ba ako magloloko?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng Paroa noong Miyerkules, October 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hihintayin niya bang magdalaga si Barbie, na ngayon ay 15 years old pa lang?

“Dalaga na ‘yan, e!” biro ng 17-year-old actor.

“Hindi, basta ngayon po, ang relationship namin, bilang partners, bilang loveteam.

“Sa ngayon, iyon lang po muna.

“Kung meron mang mangyayari o magaganap na ganun, love-love na, sasabihin ko po sa inyo yun... don’t worry.”



SARAH LAHBATI. Tinanong din ng PEP si Derrick tungkol kay Sarah Lahbati.

Dating na-link sa kanya ang young actress na ngayon ay girlfriend na ni Richard Gutierrez.

“Sa totoo lang po, masaya ako para sa kanya,” sabi ni Derrick.

Hindi siya nasaktan?

“Hindi, hindi… ang pakay ko lang naman po yung masaya siya, e.

“Ngayon, nakikita ko na masaya siya, e, di masaya na rin ako, di ba?”