Prior to entering the showbiz, Joyce Ching was confident that she looked just fine. The weight issue only kicked in when she started receiving comments that she looked big on screen. The teen actress tells, “May time na parang ‘Oh my gosh! Kailangan ko talaga magpapayat!’ But then, naisip ko, ‘Bakit? Kebs!’” Joyce opts to love herself more. She boxes to exercise and eats just about anything but only in small portions.

Photo: Noel Orsal

Isang mas payat, fit, at blooming na Joyce Ching ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa noong Miyerkules ng gabi, Oktubre 24, sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City.

Kasama ni Joyce sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa bagong primetime teleserye na ito ng Kapuso network na magsisimula na sa Nobyembre 5, Lunes.

Kontrabida muli ang ginagampanang papel ni Joyce—si Becca, na pinahihirapan ang buhay ng bidang si Mariposa (Barbie).

Espesyal raw ang proyektong ito dahil nakakatrabaho ni Joyce ang batikang kontrabida actress na si Maritoni Fernandez.

Sa panayam ay binanggit ng batang aktres na natututo siya sa kanyang “nanay” sa istorya.

Nakangiting wika ni Joyce, “Nakaka-pressure si Ms. Maritoni kasi nakatayo lang siya, wala siyang ginagawa—effortless!

“Poker face, parang very scary agad!”

Isang technique ang natutunang gawin ni Joyce matapos nilang kunan ang Week 3 ng Paroa: “Siguro, ang nangyayari lang, kung paano siya umaatake, binabaliktad ko.

“Halimbawa, may mga eksena kami na sobrang ‘Ratatatatat!’ Ako naman, yung pagka-kontrabida ko, patahimik way, yung hindi masyado mabunganga.

“Tapos pag siya naman yung tahimik magtaray, ako naman yung bumubunganga para lang mabalanse.”

Tila humuhusay na nga sa pag-arte si Joyce na unang gumanap na kontrabida sa Endless Love (2011). Sinundan ito ng kanyang pagganap na kontrabida rin sa Munting Heredera (2011).

“Sa tingin ko po, oo. Mas naging natural kasi,” sabi niya.

Malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang pag-arte.

Ayon kay Joyce, “Naisip ko yung mga dati kong pagka-kontrabida, parang very typical kontrabida.

“Parang wala lang, para masabi lang sinisigawan mo yung inaway mo, masabi mo lang na ganito…