“Kung sa One True Love, kahit nasa bahay lang si Leila, para siyang magpa-fashion show, di ba? Complete with accessories at naka-five inch heels pa. Dito sa Mariposa, pang-manang ang mga suot ko. As in, hindi ako nagpa-fashion show dito. Walang heavy makeup at naka-tie back lang ang hair ko. Kaya it’s a whole different role for me,” ani Agot Isidro sa pagkukumpara niya sa kanyang dating karakter sa kanyang ginagampanang papel ngayon.

Photo: GMA-7

Nagsimula na si Agot Isidro ng kanyang ikalawang teleserye sa GMA-7, matapos ng highly-successful na One True Love.

Kasama ang singer-actress sa telefantasyang Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa, bilang si Amalia, ang babaeng kukupkop kay Mariposa, na ginagampanan naman ni Barbie Forteza.

Siya naman daw ang aapihin ngayon sa bagong Kapuso telefantasya.

“Baliktad naman ngayon. Kung sa One True Love, ako ang nang-aapi, this time ako naman ang aapihin.

“Okey lang naman, para naman iba ang role ko. Maranasan ko naman na ako ang kinakawawa,” pahayag ni Agot sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press launch ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, nung Miyerkules, October 24, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Deglamourized si Agot sa kanyang role ngayon.

Ibang-iba sa look niya bilang Leila sa One True Love.

“Gusto ko ang pagkakasulat ng role ko as Amalia.

“Bukod sa hindi siya makalaban, sakitin pa siya. Pang-teleserye talaga ang pagkakasulat.

“At deglamourized ako rito.

“Kung sa One True Love, kahit nasa bahay lang si Leila, para siyang magpa-fashion show, di ba? Complete with accessories at naka-five inch heels pa.

“Dito sa Mariposa, pang-manang ang mga suot ko. As in, hindi ako nagpa-fashion show dito.

“Walang heavy makeup at naka-tie back lang ang hair ko. Kaya it’s a whole different role for me,” saad pa ni Agot.



WORKING WITH THE TWEEN QUEEN. First time din niyang makakatrabaho ang tinaguriang “Tween Queen” ng Kapuso network na si Barbie.

Wala raw siyang naging problema rito dahil mabilis daw silang nagkaroon ng bonding nito.

“Nakakatuwa si Barbie. Noong una, nahihiya siya sa akin. Sabi ko na huwag siyang mahiya para maging maayos ang trabaho namin. E, mag-ina pa naman ang papel namin.