Aminado si Vhong Navarro na mayroon siyang mga kapareha na tulad nina Anne Curtis at Angel Locsin sa dalawa niyang programa sa ABS-CBN na It's Showtime at Toda Max. Sabi ni Vhong, “Siyempre, wala na akong hahanapin pa. Kumbaga, double A ‘yan sa battery—AA ‘yan. Sino ba naman ang ganitong hitsura, makakatagpo ka ng ‘Oh my goodness!’ sa mga dilag?"

Photo: Noel Orsal

Dalawang bagay ang ipinagpapasalamat ni Vhong Navarro mula nang mailunsad ang ABS-CBN sitcom na Toda Max noong isang taon.

Una, ang makatrabaho muli si Robin Padilla na isa sa itinuturing na idolo ni Vhong.

Pangalawa, ang maibalik sa ere ang mga sitcom.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Vhong sa press conference ng first anniversary ng Toda Max sa 9501 restaurant ng ABS-CBN noong Martes, November 6.

Ayon kay Vhong, “Napakabilis ng panahon, parang kailan lang… tapos ngayon, isang taon na.

“Nakakatuwa kasi hindi rin natin akalain na susuportahan ulit tayo ng mga televiewers ng sitcom.

“Kasi, alam naman natin na ‘eto lang ulit ang pagbabalik-sitcom ng ABS-CBN.

“Nakakatuwa lang at nakaka-proud na sinusuportahan tayo.”



A GAMBLE. Aminado si Vhong na nang simulan nila ni Robin ang Toda Max ay para itong isang sugal sa kanila.

Aniya, “Totoo yun, totoo yun.

“Katunayan, ang daming nangyari.

“Bukod sa napalaki natin siya, napatagal natin ng isang taon, nanalo pa kami sa CMMA [Catholic Mass Media Awards], na isang prestigious... mga pari [ang nag-award].

“At saka parang bihira yatang ma-nominate ang ABS dun, comedy, sa sitcom.”

Nasorpresa ba sila nang manalo ang Toda Max?

“Oo!” natatawang sabi ni Vhong.

“Natakot nga kami kasi nandoon kaming lahat—ako, si Angel Locsin, si Pokwang... apat kami. Tapos sila Direk [Malu Sevilla].