"Pagka meron kang dinaramdam, ako, gusto ko mapag-isa habang hinahanap mo yung sarili mo. I will share it with people na alam ko na tunay kong kaibigan—o yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin at inuunawa ako in every way. Ise-share ko sa mga taong ganun pag tapos na. Ayaw ko silang bigyan ng problema. So, usually, pag meron akong dinaramdam, na dinadala na mabigat, nawawala ako, nagha-hibernate, ganun," saad ni Maricel Soriano tungkol sa pansamantala niyang pagkawala sa showbiz.

Photo: Monching Jaramillo

Nagpaunlak ng isang tell-all interview ang Diamond Star na si Maricel Soriano kay Korina Sanchez, para sa Rated K, na ipinalabas kahapon, November 11.

Ang ilang bahagi ng interview ni Maricel ay ipinalabas na sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol noong Biyernes, November 9.

Doon ay inamin ni Maricel na sumailalim siya sa depresyon kaya halos dalawang taon siyang nag-“time-out.”

“Time-out” ang terminong ginamit ni Maricel sa panandaliang pagkawala niya sa sirkulasyon.

Kuwento niya, “Time-out lang yun, di ba? Kailangan natin, lahat tayo, kailangan natin ng ganun, e.”

(CLICK HERE to read related story.)

MARICEL'S BEAUTY SECRET. Unang tanong ni Korina kay Maricel:Nagugulat ang lahat ng tao na sa tuwing paglabas mo ay lalo ka pang gumaganda, ano'ng sikreto mo?

Sagot ng Diamond Star,“Wala namang sikreto.

"Hindi ba, alam naman nating dalawa yung totoo? Nagpakatotoo lang tayong dalawa.

“Sabi nga nila, para hindi ka ma-stress, sasama ka daw dun sa mga tao na masaya ka pag kasama mo sila, hindi ba?

“Kagaya na lang ng dalawang anak ko.

“Masaya kami pag nagkasama kaming tatlo. Lalo na sa gabi na bonding time namin.”

Ang tinutukoy ni Maricel ay ang mga anak niyang sina Marron at Sebastien.

Si Marron ay ang adopted son nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si Ronnie Ricketts; habang si Sebastien naman ay anak ng aktres sa pulitikong si Cesar Jalosjos.