Iniintriga ngayon si Atty. Ferdinand Topacio (gitna) na may ipinalit na raw siya kay Bea Binene (kanan) sa katauhan ng baguhang artista na si Marvelous Alejo (kaliwa). Si Atty. Topacio ang magpo-produce ng debut album ni Marvelous.

Photo: Noel Orsal

Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang kontrobersiyal na si Attorney Ferdinand Topacio noong Biyernes, November 9, sa isang resto-bar sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

Dumalo rito ang mga kapwa niya abogado, mga pulitiko, taga-showbiz, kasamahan sa business, mga naging kliyente, at taga-media.

Sa pasasalamat ng abogado sa lahat ng nakisaya, hindi raw sapat ang kaligayahan niya ngayon dahil sa hindi pagsipot ni Bea Binene.

Isa ba sa wish niya sa kanyang birthday ay maayos na ang gusot sa pagitan nila ng pamilya Binene?

Tugon ni Atty. Topacio, “Birthday wish? Sa akin na lang yun. Siguro world peace.

“Wala na akong mawi-wish pa kasi ang saya-saya ko ngayon—lahat ng mga taong importante sa buhay ko, nandito.

“Nandiyan kayo kaya masaya ako.”

Patuloy niya, “Tungkol kay Bea, I really don’t know.

“Pero alam ko nag-celebrate siya ng birthday niya last November 4, naalala ko lang…

“Basta ang masasabi ko lang, she was part of my life at hindi mawawala yun.”



CIVIL CASE. Tuloy pa rin ang civil case na isinampa ni Atty. Topacio sa mag-inang Binene.

Nagsimula ang gusot sa pagitan ni Atty. Topacio at ng mga Binene nang maghain si Bea at ang ina nito ng reklamo laban sa radio host na si Dan Villanueva.

Pero itinanggi ng mag-inang Binene na may permiso nila ang paghahain ng reklamo ni Atty. Topacio sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong September 3.

Dito nagsimula ang alitan ng mga Binene at ni Atty. Topacio na umabot din sa demandahan. 

Pagbabalita ni Atty. Topacio, “Sa Monday [November 12] na isi-serve ng sheriff ng RTC [Regional Trial Court] ng Tanauan, Batangas, yung summons kina Bea.

“After that, they have to answer that, then may pre-trial kami.