May dagdag na detalye si Regine Velasquez sa mga kantang nakahanda para sa Silver concert niya: “Alam naman nila lahat na I’m singing mostly my songs, the recorded songs, the songs that I’ve recorded. So, ang surprise na lang for me, kung saan ko ilalagay yung particular song na ito.”

Photo: Noel Orsal

Puspusan na ang rehearsals ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa Silver, ang kanyang 25th anniversary concert.

Kasama ni Regine ang humigit-kumulang na pitumpung miyembro ng Manila Symphony Orchestra na mag-aakompaniya sa kanya.

Pahayag ng tinaguriang Asia's Songbird, “We’ve been preparing for this, medyo matagal na yung preparation nito... since last year pa.”



BIG BUDGET. Malaki ang puhunan sa show, pero hindi sigurado si Regine kung magkano ang eksaktong halaga.

Sabi niya, “Medyo malaki yung cost, hindi ko sure kasi yung GMA at yung kapatid ko... They co-produced the concert, so I’ve no idea.

“Empleyado lang ako!” ang tumatawang sinabi ni Regine.

Co-produced nga ng GMA at iMusic Entertainment Inc., gaganapin ang concert sa Biyernes, November 16, sa SM Mall of Asia Arena.

Ang live recording ay ipalalabas sa GMA-7 sa December 16 naman.

Nasa kontrata ni Regine na once a year ay may TV special siya sa Kapuso network.

“So ito na yun.”



WITH BABY NATE. May isang tao na excited si Regine na manood ng Silver concert niya, at iyon ay si… Baby Nate!

Si Nate ang anak ni Regine at ng mister nitong si Ogie Alcasid.

Naroroon naman daw si Nate sa concert nila ni Ogie last February, na Mr. & Mrs. A.

“Pero baby pa siya noon, e.

“Lately I’ve been bringing him kasi one year old na, parang…

“Ang sarap nang bitbitin kasi hindi na nakakatakot masyado na... alam mo yun?”

Na hindi na raw kasing fragile or delicate si Nate ngayong isang taon na ito kumpara noong bagong panganak pa lang.