Wala na raw kinikimkim na galit si Katherine Luna kay Coco Martin. May anak silang babae ni Martin. Pahayag ng aktres, “Matagal ko nang sinabi sa kanya, wala na naman po akong pakialam kung meron siyang intensiyon na makita o wala, wala akong pakialam. Iyon lang pong…huwag lang pong masasaktan yung anak ko. Pag dumating yung araw… huwag talaga, huwag iiyak, huwag masasaktan yung anak ko. Kasi, hindi ko talaga alam kung ano'ng gagawin ko. Pero hindi ko pinagsisihan kasi may naging bunga."

Photo: Noel Orsal

Tatlong linggo pa lang ang nakararaan mula nang isilang ng dating sexy actress na si Katherine Luna ang kanyang panlimang anak.

Hindi naman ipinagkakaila ng Ang Babae Sa Breakwater actress na marami siyang pinagdaanan sa buhay upang mabuhay ang kanyang mga anak mula sa iba't iba niyang nakarelasyon.

Nakapanayam si Katherine ng StarTalk TX ng GMA-7.

Sabi ni Katherine, “Siyempre, dumarating talaga sa buhay yung mga ups and down, di ba?

“Maraming dumating din na medyo, iyon, talagang medyo talagang na-down talaga kami.

“Ang dami, sunud-sunod. Gastos, sinarado ko yung negosyo ko sa Cavite, yung babuyan medyo nagkaroon ng problema, tapos naoperahan ako sa gall bladder.

“Nabuntis ako, siyempre nawalan ng trabaho.”

Sa ngayon, maayos naman daw ang kalagayan ni Katherine sa piling ng kanyang non-showbiz live-in partner.

Tatlong taon na raw silang nagsasama.

“Nasusuportahan naman po niya yung mga pangangailangan namin kahit papaano.

“Hindi naman siguro… hindi naman dumating sa point na nagutom kami, ganun.

"Kahit papaano, binubuhay niya kami.”

SINGLE PARENT. Inamin ni Katherine na bago niya nakilala ang kasalukuyan niyang kinakasama ay nagtrabaho siya ulit sa nightclub.

Kasama rin ba rito ang pagtanggap ng mga indecent proposal?