Bilang ama ng dalawa sa itinuturing na pinaka-kontrobersiyal na artista ngayon na sina Andi Eigenmann at Sid Lucer, ito ang pahayag ni Mark Gil: “Well, it’s part of the game. This is the field that they chose. This is the field that they work. I grew up here. Three generations na nga kami. Well, I also have to take things in stride and accept things. But there are times na ayokong manghimasok o makialamIto ang buhay ng artista, e.”

Photo: Noel Orsal

Bukod sa young cast members ng Pahiram Ng Sandali—sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Max Collins—kasama rin sa cast ng primetime series na ito ng GMA-7 ang seasoned at award-winning actors na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, at Mark Gil.

Ayon kay Mark, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pahiram Ng Sandali noong November 16, “Well, nakakatuwa, but somehow it’s quite intimidating din.

“Nandiyan si Boyet, si Lorna… everyone all put together... but excited. 

“We’ve known each other way, way back. 

“Simula noong mag-umpisa kami sa aming mga career, and now, we’re in one show.

“And it’s also good to be in a Dingdong Dantes project and you have Direk Maryo J. de los Reyes directing it.”



ANDI EIGENMANN. Natawa naman si Mark nang sabihin namin na karamihan ng mga anak niya ay kontrobersiyal ngayon.

Una na rito ang anak niya kay Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann.

Simula yata nang mag-showbiz si Andi ay kakambal na nito ang intriga. Katulad ngayon na mainit na pinag-uusapan ang breakup nila ni Jake Ejercito.

Nang makausap namin si Mark ay hindi pa lumalabas ang two-part interview ni Jake dito sa PEP, kung saan ibinigay nito ang kanyang panig sa breakup nila ni Andi. (Click HERE and HERE to read related articles.)

Sabi ni Mark, “You know, honestly, hindi ko talaga alam ang mga detalye ng mga nangyayari.

“Ang alam ko lang, napanood ko siya [Andi] sa TV, ini-interview siya and she was crying.

“At you know, nakakaapekto rin yun

“All I did was text and told Andi, ‘O, bakit hindi mo ako tinatawagan? I’m your best daddy-friend you’ll ever have.’

“Sabi ko, ‘Don’t cry, I don’t want to see you cry.’

“Tapos, natawa naman siya.”

               

Lumalabas na ang isyu sa pagitan nina Andi at Jake ay nag-ugat sa pagpapa-interview ni Jaclyn Jose, kunsaan sinabi ng aktres na tila hindi pabor ang mga magulang ni Jake sa relasyon nito kay Andi.