“Kami ni Yam, we have the same amount of exposure... We have three intense love scenes. Mga fifteen takes at least. Kasi kami ni Yam, we wanted the best possible shot, the most realistic, the most totoo, so we did fifteen takes. We chose which ones, the ones we felt is most real," sabi ng model-actor na si John James Uy sa mga maseselang eksena na ginawa nila ng kaparehang si Yam Concepcion sa Rigodon.

Photo: Arniel C. Serato

May ilang taon na ring nasa industriya ang model-actor na si John James Uy, pero ngayon pa lang siya nagkaroon ng pelikula—ang Rigodon ng Viva Films.

Pero lead role agad siya rito katambal ang baguhang si Yam Concepcion.

May butt exposure at semi-nudity raw si John sa pelikulang ito na idinirek ni Erik Matti. Paano siya napapayag na gawin ang mga ito?

Kuwento ni John sa Ang Latest ng TV5 kagabi, November 21, “I read the script first, loved the script.

“It’s my first role. To be given a major role as my first movie, sobrang natuwa ako, sobrang na-proud.

“And I faced it with one-hundred percent confidence and took on the role.”

Kung pa-tweetums ang Be Bench runner-up sa mga TV shows niya dati, ngayon ay mapangahas si John sa role niya bilang Ricky sa pelikula.

Saad niya, “Acting is about becoming the person you’re supposed to portray.

“I don’t have limitations in the sense na sexy siya, you have to consider everything.

“Especially in movies, you can’t always play the wholesome guy, you have to take on different roles and embrace it.”

INTIMATE SCENES. Hindi na raw siya nagpatumpik-tumpik pa sa mga maseselan at intimate scenes nila ni Yam.

Lahad ni John, “Kami ni Yam, we have the same amount of exposure...

"We have three intense love scenes. Mga fifteen takes at least.

“Kasi kami ni Yam, we wanted the best possible shot, the most realistic, the most totoo, so we did fifteen takes.