Sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network, isa raw sa gustong makatrabaho ni Gladys Reyes (nasa larawan) ay ang Primetime Queen ng network na si Marian Rivera. Sabi ni Gladys, “Although, naa-appreciate ko naman siya na kahit never pa kaming nagkatrabaho, every time na magkikita kami sa guesting, talagang tumatayo siya, bumabati siya, humahalik siya. So, na-appreciate ko sa kanya yung ganoong gesture niya na kahit hindi pa kami nagkatrabaho, mararamdaman mo naman ang respeto sa katrabaho.”

Photo: Noel Orsal

Hindi na kataka-taka na mapasama si Gladys Reyes sa cast ng gagawing pelikula tungkol sa Iglesia Ni Cristo (INC)—ang Ang Sugo (The Last Messenger).

 

Isa kasi sa aktibo at tapat na miyembro ng INC si Gladys.

Pagbibigay-impormasyon pa ni Gladys tungkol sa pelikula, “Kasi next year, ika-one hudred years na ng Iglesia.

“It’s our offering also at ‘eto ang biggest movie na gagawin namin. 

“And then, ipapakita ang three generations of Manalo. 

“Siyempre, mag-uumpisa sa Sugo, kay Ka Felix Manalo, dahil siya ang nagpalaganap ng aming preaching, Iglesia. 

“Since 1914 up to the present, yun ang ilalarawan, kaya three generations.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa press launch ng Ang Sugo noong Martes, November 27, sa Quezon City Sports Club.

Nalaman daw ni Gladys ang pagsasapelikula ng kasaysayan ng INC sa pamamagitan ni Arlyn dela Cruz, na siyang in-charge sa production, may isang buwan na ang nakararaan.

Na-excite daw siya nang malaman ito.

“Siyempre, parang naiisip ko, looking forward ako na, for the first time, magkakaroon ng pelikula ang Iglesia.

“Proud na proud talaga kami tapos part kami nito. 

“Sabi nga namin, kahit na anong role, basta part kami nito. 

“Kasi, ito ang way na idedetalye namin kung paano naging messenger si Ka Felix Manalo.”

Bilang kilalang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, mao-offend ba si Gladys kung sakaling hindi siya isinama sa pelikula?

Aniya, “Hindi naman. I’m sure, baka maaaring walang babagay sa akin [na role].