“Medyo yung part na yun, ayoko nang pag-usapan yung part na yun... Gusto ko lang malaman ng lahat ng tao na lahat ng bagay, may pinanggalingan. Kaya siguro ako naging ganito," sagot ni Iwa Moto nang tanungin tungkol sa usap-usapang nagkaroon siya ng miscarriage.

Photo: Arniel Serato

Inamin ni Iwa Moto sa harap ng mga miyembro ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang tungkol sa pagpapakasal niya sa businessman at mixed martial artist na si Mickey Ablan nung October 2009.

(CLICK HERE for related story.)

Pero may isa pang inamin si Iwa nang makapanayam ito ng PEP matapos ang Titan X3 presscon niya na ginanap kahapon, November 30 sa Max’s Restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

 

MISCARRIAGE. Lumabas sa isang tabloid kahapon din na diumano’y nabuntis siya ni Mickey nung nagsasama pa sila, ngunit nakunan daw siya.

 

Ito ay natanong sa presscon. Matagal bago nakasagot si Iwa, pero basag na ang boses nito nang magsimula at nagsimula nang umiyak.

Lahad niya, “Medyo yung part na yun, ayoko nang pag-usapan yung part na yun, kasi…ewan ko basta…

“At least alam ko… Gusto ko lang malaman ng lahat ng tao na lahat ng bagay, may pinanggalingan. Kaya siguro ako naging ganito.”

Bakit niya ito itinago?

“Kasi siguro, kahit sa sarili ko, hindi ako sigurado.

“Alam mo yun? Sa sarili ko parang hindi ko tanggap.

“At the same time, nung mga panahong yun, I was trying to protect someone,” paliwanag pa ni Iwa.

Humahagulhol pa ring dagdag niya, “I was trying to fix my marriage before, so I tried.

“Meron pa akong interview before na I denied everything. So, I was trying to save my marriage.

“At saka nung nakausap ko dati si Pampi [Lacson, current boyfriend niya], he was trying to save his marriage also.”

Si Pampi ay mister ni Jodi Sta. Maria, na diumano’y nagkaroon ng kaugnayan sa pinakasalan ni Iwa na si Mickey.

(CLICK HERE for related story.)