Dahil sa pareho silang busy, bihira na raw magkita ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes. Saad ni Marian, “Alam n’yo, sa totoo lang, parang ito na yata ang pinaka-busy naming taon. Halos hindi na kami nagkikita. Katulad ngayon, may taping siya. Uwi niya, madaling-araw na. Tapos ako naman, umaga, wala na ako, nasa taping na ako. Siguro, natutuwa na lang ako kapag napapadaan siya sa taping ko, magha-‘Hi! Kumusta ka na? Buhay ka pa ba?’ Yung ganun."

Photo: Noel Orsal

Ngayong 2012 ay parehong naging busy sa kanila-kanilang career ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tuloy, ayon kay Marian, madalang na silang magkita ni Dingdong.

“Alam n’yo, sa totoo lang, parang ito na yata ang pinaka-busy naming taon. Halos hindi na kami nagkikita. 

“Katulad ngayon, may taping siya. Uwi niya, madaling-araw na. 

“Tapos ako naman, umaga, wala na ako, nasa taping na ako.

“Siguro, natutuwa na lang ako kapag napapadaan siya sa taping ko, magha-‘Hi! Kumusta ka na? Buhay ka pa ba?’ Yung ganun. 

“Hindi ko naman siya madalaw sa set kasi ang lalayo naman ng location niya.

“At least ako, ‘eto lang, nasa Green Meadows lang ako, Quezon City. 

“So, tawagan talaga. Wala namang choice, trabaho, e.”

Kaya naman ang pagbabakasyon nila sa Las Vegas ngayong December 6 ang magiging bonding nila at oras para sa isa’t isa.

“Yun na yun, bakasyon lang, salamat sa Diyos!” sambit ni Marian sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“December 6 ng gabi ako aalis. Pero six ng umaga, nasa taping ako.

“Twelve ng madaling-araw, nandito ako. After lunch, nasa taping na ako.

“Pero okay na yun, at least, kahit man lang three days. 

“Kahit sa eroplano, mag-usap kami. ‘O, kumusta ka na?” natatawang sabi niya.



A DIFFERENT CHRISTMAS GIFT. Nang tanungin naman ng PEP si Marian kung ano ang magiging Christmas gift niya kay Dingdong, sinabi nitong naibigay na raw niya ang kanyang regalo sa kasintahan.