Jodi Sta. Maria on falling in love again: “It’s not something that you planned. It just happened.  Minsan, may mga bagay na dumarating na you least expect it. Hindi naman porke’t galing ako sa isang failed relationship, e, every future na potential relationship e magpi-fail din. Kumbaga, hindi tayo dapat maging pessimistic about the future, di ba?”

Photo: Noel Orsal

Hindi pa man diretsong umaamin sa totoong estado ng relasyon nila sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, napag-alaman na ngayong Pasko ay magkasama na aalis at magbabakasyon sa Bangkok, Thailand ang dalawa.

“Family and friends, marami kami. We’re in a big group, as in super big group,” diin ni Jodi sa panayam sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, December 2.

Natawa naman si Jodi nang tanungin kung sinong “friends.”

“Mga friends ko,” sabi niya.

Dalawang beses na nakausap ng The Buzz si Jodi. 

Una, sa thanksgiving party para sa top-rating morning teleserye niyang Be Careful With My Heart.

Pangalawa, sa birthday party ng kapatid ni Senator Bong Revilla, ama ni Jolo, na si Andeng Bautista-Ynares.

Sa dalawang panayam na ito ay idiniin ni Jodi na hindi lang sila ni Jolo ang aalis na magkasama.

“We’re going out as a group and it’s going to be a very big group.  

“We’re about to thirteen to fifteen people.

“It’s not going to be me or him and the kids, yun.

“So, kumbaga, nagkayayaan lahat ng magkaibigan, yun. 

“Gusto kong klaruhin yun,” sabi ng Kapamilya actress.



IWA MOTO. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Jodi ay kasal pa rin sa ama ng anak niya na si Pampi Lacson, na ngayon ay boyfriend naman ni Iwa Moto.

Sa huling panyam kay Iwa, na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit nito na inaayos na raw ang annulment ng kasal nina Pampi at Jodi.

(CLICK HERE to read related story.)