Bagamat wala pa namang planong magpakasal, pinaghahandaan na raw ni Carla Abellana ang bagay na ito ngayon pa lang. Sabi ng Kapuso actress, “Ako, nag-iipon ako. Ine-enjoy ko ang trabaho ko. Tapos, nag-i-invest na rin at the same time. And then, yung family ko, siyempre inuuna ko muna.”

Photo: Noel Orsal

Tatlong taon na ang relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. 

Karaniwan sa mga showbiz couple na ganun na katagal ang relasyon ay madalas na natatanong kung hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa Party Pilipinas noong Linggo, December 2, ay tinanong namin ang aktres kung wala pa ba silang plano ni Geoff na lumagay sa tahimik.

“Wala pa. Kasi… hindi ko alam. 

“Siguro, bago pag-usapan ‘yon, paghandaan muna. 

“Parang ano siya, e… parang ang dami pang kailangang pagdaanan.

“Ang dami pang kailangang gawin para maging secure kami as individuals, bago namin pag-usapan yung pagpapakasal, siyempre,” saad ni Carla.

Paanong paghahanda ba ang ginagawa nila sa ngayon?

“Ako, nag-iipon ako,” sabay ngiti ni Carla.

“Ine-enjoy ko ang trabaho ko. Tapos, nag-i-invest na rin at the same time.

“And then, yung family ko, siyempre inuuna ko muna.”

Wala silang joint investment ni Geoff?

“Wala naman. Siyempre yung ganyan, pag mag-asawa na kayo!” natawang sabi ng aktres.



NEW PROJECT. Right now, nakaantabay raw si Carla sa bagong soap opera na gagawin niya sa GMA-7. 

Saad niya, “Baka February ang airing niya. 

“At ang balita ko po, anytime ngayong December ay magsisimula na kaming mag-taping.