Maraming ibinigay na dahilan si Tom Rodriguez kung bakit siya lumipat ng talent management—mula Star Magic papuntang Luminary. Paliwanag niya, “Pero ako naman, work talaga. Trabaho naman ang hanap ko at yun naman talaga ang pinunta ko sa Pilipinas, and as long as they are willing to give me work.”

Photo: Erwin Santiago

Ngayong December pa lang opisyal na magiging isa sa mga talent ng Luminary Talent Management si Tom Rodriguez.

Ang Luminary ang talent management na pag-aari ni Popoy Caritativo.

Kabilang sa artists ng Luminary sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Janice de Belen, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Rafael Rosell.

Sa Christmas party ng Luminary para sa press noong Linggo, December 2, sa Annabel’s restaurant, ikinuwento ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya napasama sa mga talent ni Popoy.

“Dati kasi, during Temptation Island [2011], nag-uusap na kami. But I was with Star Magic.

“Nakita ko kasi ang relationship niya [Popoy] with Marian and Dennis.

“Nag-usap kami. Then, I went to the States and I told Star Magic na hindi na ako magre-renew even though I appreciate…”

Dalawang taon din daw siya sa Star Magic.

Pero ayon pa rin kay Tom, “Sobrang dami kasi namin doon.

“Noong nakikita ko si Popoy na nakatutok siya sa talents niya, I asked Popoy if he’s willing din to manage me.”



WORKING RELATIONSHIP. Ano ba ang naging relasyon niya sa Star Magic at mukhang hindi siya kuntento rito?

         

Tugon ng former Pinoy Big Brother housemate, “Hindi naman sa hindi satisfied.

“Kasi, I love sina Mr. M [Johnny Manahan] at si Ms. Mariole [Alberto]. They are the nicest people… mabait, sobra!

“Kaya lang, sobrang dami na namin.

“Every day, there’s always a new talent. Nangyayari, napag-iiwanan.

“Mahirap din na mag-isa lang ako rito. Minsan, walang trabaho, e, ito lang ang pinagkakakitaan ko.

“Mahirap din kasi mahirap umagaw ng atensiyon.