Desidido si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na mapalapit sa mundo ng showbiz at maging sa mga entertainment press kaya isang acquiantance at Christmas party ang ibinigay niya para sa mga ito kagabi, Disyembre 6, sa Hampton function room ng Astoria Plaza sa Pasig City.
Mas tumaas daw ang interes at layunin niya na matulungan ang showbiz industry, gayundin ang press, dahil sa kanyang exposure at guest appearance sa ilang entertainment TV shows kamakailan—gaya ng Gandang Gabi Vice, KrisTV, at Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.
Saad ng senador, “Iyan ang isang resulta na gusto kong mangyari through my interaction with you. Malaman ko ang industriya, kung ano ang mga pangangailangan.
“Number one siguro yung sa tax, na magkaroon ng incentive by lessening the tax para mabuhay nga ang Filipino entertainment industry.
“At the same time, yung Filipino culture ay mai-promote na rin natin through the entertainment industry in the Philippines.
“Nag-attend ako sa UP Homecoming at isang entertainer doon si Jon Santos. Magaling, pinatawa niya yung buong audience.
“Pero yung mensahe niya e para siyang si Armida Siguion-Reyna, pero iba yung name niya [an impersonation of Armida].
“So, ang ibig niyang sabihin, ‘Kayo ha, babayad kayo ng ticket para kay J.Lo [Jennifer Lopez]. Pag ako ang magko-concert, walang willing magbayad.’
“E, kulturang Pilipino ito na nawawala.
“One effective way maybe is to decrease the tax to strengthen the promotion of Filipino culture and entertainment industry.
“And at the same time, to discourage yung irrational excitement natin for foreign entertainment.
“So, yun ang gusto nating tutukan—yung sa tax.
“Anyway, close kami ni Senator Bong Revilla and I will ask him kung paano gawin yung mga taxes kasi producer din yata siya, e.”
Aware naman daw si Senator Koko sa naunang batas tungkol sa pagbabawas ng entertainment tax. Pero sa tingin niya ay puwede pa itong mapababa pa.
Magagawa niya raw ito kung papalarin siyang mahalal ulit bilang senador sa kanyang muling pagtakbo sa May 2013 elections.
Matatandaang noong Agosto 2011 lang siya iprinoklama bilang nanalong senador sa 2007 elections, matapos niyang magsampa ng electoral protest at recount na kumukuwestiyon sa pagkapanalo ni dating Senador Juan Miguel Zubiri, na nag-resign ilang araw bago maiproklama si Senator Koko.
CRISTINE REYES. Dahil "single" ngayon si Senator Koko, hindi siya nakaligtas sa tanong ng press kung sino sa mga artistang babae ang pasok sa taste niya at posibleng magustuhan niya.
“Well, the few times na may nakabangga akong artista sa corridor ng ABS-CBN at medyo nagising ang dugo ko… yun ay si Cristine Reyes.
“Yun nga, napahinto ako, napatingin sa kanya at na-starstruck,” pag-amin ng senador.
Meron din daw something in common sa kanila ni Cristine, dahil pareho silang naging biktima ng Bagyong Ondoy noong Setyembre 2009.
Pareho rin kasi silang taga-Marikina noong mangyari ang trahedya.
“[She’s] my fellow Ondoy victim!” natatawang sabi ni Senator Koko.
“Habang nasa second floor siya ng bahay niya noong baha, ako rin nasa second floor din ng bahay ko.”
Nagkakilala na ba sila ni Cristine?
“Hindi pa. Hindi ko pa nakikilala si Cristine. I’ve heard a lot about her. I’m excited to meet her.”
Ayaw na ba niya ngayon sa beauty queen, at artista na ang gusto niya?
“Hindi [naman], wala na rin akong masyadong exposure sa beauty queen. But tingnan natin.”
Ang naging misis kasi ni Senator Koko ay si Jewel Mae Lobaton, na dating Bb. Pilipinas-Universe titleholder.
KRIS AQUINO. Totoo ba yung balita noon ng pagli-link at pagma-match sa kanila ni Kris Aquino?
“Siguro more than two decades ago. Magbarkada ang mom niya [the late Cory Aquino] at mom ko [Lourdes de Llana-Pimentel].
“Kaya alam ko na 1990, kasi 1990 ako nag-top ng bar [exams].
“So, meron ngang suggestion na lumabas kami [ni Kris]. Sinabihan ako ng mom ko, sinabihan din siya ng mom niya.
“Pero hindi yun ang itinadhana, e. Hindi nangyari.”
Kung si Cristine ay “pinapainit ang dugo niya,” si Kris ba ay ganun din ang epekto sa kanya?
“Well, I appeared sa KrisTV at I find Kris very attractive, very eloquent. Pero ang problema, siya free na, ako hindi pa,” sagot niya.
ANNULMENT. Sa ngayon ay nasa proseso na raw sila ng misis niyang si Jewel ng pagpa-file ng annulment.
Saad ng senador, “Ang suggestion kasi niya, hindi naman ako nag-object, siya raw ang magpa-file ng church annulment, ako naman yung magpa-file ng civil.
“Ginawa na niya yung church annulment, sabi niya. Nag-file na raw siya sa Bacolod.
“Yung civil, hindi ko pa nagagawa kasi marami pa akong trabaho. Medyo may mga bicameral conference muna ako, e.
“After that, during Christmas break I, can give time para mapag-usapan ang petition.
“But technically, I’m now single.”
Bakit ba nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Jewel?
“Well, magkaiba kasi kami ng outlook sa buhay, yung philosophy namin magkaiba rin.
“Kahit yung paano magpalaki ng bata, pinag-aawayan pa.
“Kaya imbes na parating magbabanggaan, even yung friendship ay mawala, kaya nagdesisyon na kami mag-separate.”
So, ibig sabihin, magkaibigan naman sila ni Jewel?
“A, opo, kate-text ko nga lang sa kanya kung kailan ko makukuha yung mga bata.
“We try to be friends, pero ang pinag-uusapan namin, hindi na tungkol sa amin, kundi tungkol sa mga bata.”
May dalawang anak na lalaki si Senator Koko kay Jewel.
Sa ngayon daw ay malabo na silang magkabalikan.
“Ang importante ngayon, at least, hindi nag-degenerate yung amin from a married couple to enemies.
“At least, i-maintain namin yung being friends.”
Hindi ba makakaapekto sa proseso ng annulment ang pagkaka-link niya sa ibang babae, halimbawa nga kay Cristine?
“A… hindi na, kasi ano na, one year na rin kaming separated, e, bago kami nagbanggaan ng landas ni Cristine Reyes sa corridor ng ABS-CBN.
“So, wala nang koneksiyon yun.”
CONTROVERSIES ABOUT THE SEPARATION. Isa sa mga lumutang na dahilan ng paghihiwalay nila ay ang umano’y pagkakaroon ng third party. Gaano ito katotoo?
“Basta, as far as I’m concerned, walang third party sa akin,” tugon ng senador.
So, ibig sabihin kay Jewel nagkaroon ng third party?
“Siya ang tanungin n’yo. Siya ang makakasagot niyan.”
Ano ang reaksyon niya sa pagkaka-link noon ni Jewel sa isang pulitiko?
“You can ask her.
"Ang kanyang explanation naman, yung pagkaka-link sa kanya came after when we were actually physically separated—yung pagkaka-link.
“But, hindi niya inamin na may link siya doon. So, you just ask her kung ano talaga ang totoo.
“Yun na lang ang sasabihin ko, yung tsismis na idinikit yung pangalan niya sa pulitiko, nangyari yung tsismis na yun… November kasi kami naghiwalay, so after November 2011 na yun.”
Isa pang balitang kumalat noon ay ang pagkuwestiyon sa gender niya. Ano ang masasabi niya na may isyung bading siya?
“Well, I welcome nga the tsismis na bading ako so that I can examine my own personality and sexuality.
“And na-confirm ko naman na hindi [ako bading]!” natatawang sabi ng anak ni dating Senator Aquilino "Nene" Pimentel, na kinikilalang author ng local government code.
Bakit sa tingin niya nagkaroon ng ganitong tsismis?
“Siguro kumalat dahil, number one, it’s either may sustained effort na ipakalat siya, or natuwa lang yung mga nakarinig na, ‘Uy, magandang kuwento ito, a.’
“Kasi, never nilang akalain kung totoo, di ba? Kung totoo iyan, magandang tsismis iyan.
“Unfortunately, sorry na lang.”
Wala naman daw siyang isyu sa mga bading.
“Actually, I’m courting, and I believe I will be getting the endorsement of, Ladlad partylist for senator.
“Because si Danton Remoto [isa sa founders ng Ladlad] personally supports me.
“Ang importante rito is if he can convince the Ladlad partylist to also support me.”
CHRISTMAS WITHOUT THE KIDS. Pang-ilang Pasko na niya ngayong 2012 na single siya?
“Pangalawa na.”
Ano ang pakiramdam?
“Itong Paskong ito, mahihirapan ako, kasi last year, yung Pasko ng 2011, yung mga anak ko nasa akin.
“But ngayon, ang agreement namin is sa kanya [Jewel] yung mga bata ngayong Pasko.
“So, actually, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa Pasko kasi wala yung mga anak ko.”
Babawi na lang daw siya sa kanyang mga anak sa ibang araw pagkatapos ng Pasko.