Ibinahagi ng ilan sa ating paboritong artista ang mga paborito nilang handa tuwing Noche Buena.

Photo: Allan Sancon

Pilipinas ang isa sa mga bansang nagdiriwang ng mahabang pasko. Pagsapit pa lang ng “BER” months ay kanya-kanya nang paghahanda ang ginagawa ng mga Pilipino.

Ilan dito ang pagbili ang iba’t ibang palamuti para sa tahanan. Habang palapit nang palapit ang pinaghahandaang Kapaskuhan, mas nagiging abala ang mga tao.

Kaliwa’t kanang parties ang dinadaluhan at samu’t saring kainan ang pinupuntahan ng bawat isa. Lahat ng ihain ay espesyal at masarap.

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang ilan sa mga Star Magic talents ay tinanong namin kung anu-ano ang mga paborito nilang handa tuwing Kapaskuhan.

CELEBS' CRAVINGS. Ang pinakagusto ng laking-Amerika na si Gerald Anderson ay hamon tuwing Noche Buena.

Kuwento ni Gerald, “Steak kasi ang kinakain namin noon, e. Dati kasi nung sa States kami nagpapasko, laging may Turkey at Steak. Dito naman hamon.”

Gaya ni Gerald, ang Paraiso star Jessy Mendiola ang agad sumagot sa tanong— hamon.

Habang ang Filipino-Spanish na si Jake Cuenca ay nanatiling paborito ang kanilang signature dish na paella.

At gusto naman ng singer na si Erik Santos ang hindi masyadong Filipino na turkey.

Ang host naman na si Robi Domingo ay maraming gusto tuwing Noche Buena, aniya ito raw ang panahon upang pagbigyan ang mga cravings niya.

Mabilis niyang sagot sa tanong kung ano ang paborito niyang pagkain tuwing Noche Buena:

“Hamonado, quezo de bola, tsokolate with monay. Pag meron no’n sa hapag-kainan feeling mo Pasko na, e.

“Hindi naman kasi everyday may ganoon, e. Pag Pasko you really have to prepare what you crave for. Basta kaming pamilya ganun, nakagawian na kasi namin ‘yon.”

CHEFS' SIGNATURE DISHES. Kung ang mga paborito nating artista ay mahilig kumain, dumako naman tayo sa mga mahilig magluto.

Nagkaroon rin ng pagkakataong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lima sa top 14 finalists ng MasterChef Pinoy Edition na sina Betty Bais, Gian Espadera, Cons Osorio, Reggie Apolinario at JR Royol.


Tinanong naming sila kung ano ang magbabago ngayon sa mga lutuin nila at ano ang ihahanda nila para sa mga pamilya nila.