"Never mind, she's still a winner to us. We love our beauty queens. First runner-up, that's really something. Like I said, what she will do after is the most important," says 1969 Miss Universe Gloria Diaz (left) about 2012 Miss Universe runner-up Janine Tugonon.

Photo: Noel Orsal (Gloria), Joyce Jimenez (Margie)

May natuwa at mayroon din namang nadismaya sa naging resulta ng Miss Universe pageant na ginanap Las Vegas, Nevada kaninang umaga, December 20 (Manila time).

Hati rin ang opinyon ng dalawang Pinay Miss Universe titleholders na sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973).

Sa pageant kaninan, marami ang umasa na makakamit na ni Janine Tugonon ang ikatlong Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Subalit hindi ito nangyari nang ideklarang Miss Universe winner si Miss USA Olivia Culpo, habang si Janine ang naging first runner-up.

Sa panayam ng radio dzMM kay Gloria kanina, na nailathala rin sa website ng ABS-CBN News, maluwag na tinanggap ng dating beauty queen ang pagkatalo ng pambato ng Pilipinas.

Aniya, "Pana-panahon lang iyan, sabi nga nila. They were all gorgeous, each one.

"Some like white, some like black, some like brown.

"Let me tell you once and for all, it doesn't matter whether you win or you lose. It's what you do after."

Sa question-and-answer portion, tumaas ang pag-asa ng mga Pilipino na mananalo si Janine dahil sa kanyang magandang sagot sa Twitter question na binasa ng fashion photographer at isa sa judges na si Nigel Barker.

Ito ang tanong: "As an international ambassador, do you believe that speaking English should be a prerequisite to being Miss Universe? Why or why not?"

Mahusay naman itong sinagot ni Janine.

Aniya, "For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It's being able to influence and inspire other people. As long as your heart wants to serve and you have a strong mind to show people, then you can be Miss Universe."

Katulad ng maraming Pilipino, napahanga rin si Gloria sa naging sagot ni Janine.

Para sa kanya, "I just thought she was gorgeous and she gave a very good answer. Sabi ko, ito na iyon.

"That's the way that I felt about Venus [Raj, 2010 Miss Universe fourth runner-up], Shamcey [Supsup, 2011 Miss Universe third runner-up], and Miriam [Quiambao, 1999 Miss Universe first runner-up]. Parang there was no other choice."