Ito ang pahayag ni Direk Brillante Mendoza sa pagkaka-pullout ng Thy Womb sa ilang mga sinehan: "Ano'ng magagawa natin? Wala akong magagawa. Hindi ko naman kaya pigilan ang mga theater owners if they really wanted to pullout and show another film that are more appealing to the audience.”

Photo: Noel Orsal

Usap-usapan ngayon ang pagkaka-pullout ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Thy Womb sa ilang sinehan dahil sa mababang bilang ng mga nanonood nito.

Ngunit hindi ito naging hadlang para humakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng MMFF ang pelikulang pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor at idinirek ng Cannes-winning director na si Brillante Mendoza.

Kabilang sa pitong awards na napanalunan ng Thy Womb kagabi, December 27, ay Best Actress para kay Nora at Best Director kay Brillante.

Pero bago magsimula ang awards night ay mababanaag ang kalungkutan sa mukha ni Direk Brillante nang dumating siya sa Meralco Theater.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ay ibinahagi niya ang ilang dahilan kung bakit hindi ganun kalakas ang pelikula nila sa takilya.

Ang Thy Womb ay isang alternative movie o indie film kaya naman naging mahirap para sa kanila ang makipagsabayan sa mga naglalakihang mainstream movies.

Alam din daw ni Direk Brillante na mas sinusuportahan ng Pinoy moviegoers ang mainstream movies kumpara sa indie films.

Saad niya, “Aware naman ako dun, e. Masaya ako na napasali kami dito sa filmfest.

“Alam naman natin na mainstream talaga ang kini-cater na audience ng Metro Manila Film Festival.”

Pero mukhang na-challenge ang director at gustong maghain ng makabagong uri ng pelikula para sa mga manonood.

“Ito ang feeling ko na chance sa amin at sa mga kababayan natin makapanood ng ganito at malaman kung ano ba ang alternative.

“Bakit pinaparangalan sa ibang bansa? Bakit ba pinupuri sa ibang bansa?

"So, ito na yung chance ng mga kababayan natin na malaman din natin.”

Pero dahil hindi pa ganun kabukas ang marami sa mga Pinoy moviegoers sa ganitong uri pelikula, may ilang sinehan na tinanggal na ang Thy Womb kahit hindi pa tapos ang MMFF.

Malungkot na sabi ni Direk Brillante, “It’s true!