Muling naglabas ng kanyang saloobin si Sarah Lahbati tungkol sa naging statement ng GMA-7 sa desisyon niyang bumalik sa Switzerland upang mag-aral at sa sinasabing “walk out” incident niya sa isang Kapuso fantasy show. Bagamat mayroong sama ng loob, sa huli ay sinabi ng aktres: “This is getting out of hand. I will be quiet & stay quiet. I've said my piece. At the end of the day, all I want is what's best for me & GMA.”

Photo: Noel Orsal

“I NEVER WALKED OUT”

Ito ang mariing sinabi ni Sarah Lahbati sa kanyang Twitter account ngayong araw, Enero 4.

Nagsimula si Sarah na maglabas ng kanyang saloobin bandang alas-onse ng umaga hanggang pasado alas-dose nitong tanghali.

Ito ay kaugnay sa lumabas na statement ng GMA-7 dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa sinabi ni Sarah na pansamantala siyang aalis ng bansa at tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa Royale Artist na pinamumunuan ni Annabelle Rama.

Si Annabelle ang ina ng boyfriend ni Sarah na si Richard Gutierrez.

(CLICK HERE for related article.)

Nilinaw ng GMA Network, sa pamamagitan ng e-mail na ipinadala ni Angel Javier, assistant vice president ng corporate communications department ng GMA-7, na ang ginawang ito ni Sarah ay paglabag sa kanyang pinirmahang kontrata.

“Her leave of absence was also disapproved by management because of her pending obligations (i.e. Party Pilipinas, on-going promos and other endorsement commitments). 

“However, on the evening of Jan 2, she tweeted that she will be going to Switzerland to study, despite the disapproval given to her last December on taking a leave. 

“This is in violation of her contract, because she has to perform and appear in programs and events assigned to her, and make herself available to faithfully and promptly fulfill all engagements contracted for her by GMA.”

Nabanggit din sa statement ang diumano'y “issue” nila sa young actress.

“At the same time, she has yet to address the issue of her walking out during taping, which caused the production team to pack-up, and incur an additional cost of 500k. 

“She is therefore, currently under investigation and the network is still studying on what actions to take.”

(CLICK HERE for related article.)