Marian Rivera is featured in the January-February issue of Women's Health. Meanwhile, she is also the cover  for the 150th issue of FHM. Marian says, of boyfriend, Dingdong Dantes's reaction on the cover. "Happy siya! Pinakita ko sa kanya yung mga pictures at tingin ko naman proud siya na nag-cover yung girlfriend niya nang ganung ka-sexy."

Photo: Rommel Llanes

"Tapos siya din yung nagbibigay ng daan sa ‘kin na, 'Ay, kailangan healthy living. Kailangan eto, mag-salad ka.'

"Kaya siya yung isa sa mga nagsasabi sa ‘kin kung ano yung dapat kong kainin.

“So, yes, malaking impluwensiya si Dingdong sa pagda-diet ko o sa mga pagkaing kinakain ko para mas maging healthy ako.”

Bukod sa Women’s Health, si Marian din ang cover ng January issue ng men’s magazine na FHM.

Totoo bang hindi umano sang-ayon si Dingdong dito?

Paglilinaw ng Temptation of Wife star, “Ganito na lang, sabihin nating ganito: Malaki ang respeto namin ni Dingdong sa bawat trabahong ginagawa namin.

“So para sa akin, wala naman akong ginawang masama din. Tsaka gusto ko rin, e.

“At parang feeling ko, parang... malaki ang respeto namin sa kanya-kanyang trabaho namin.

“Siguro sapat na yun para gawin namin ang bawat gusto naming gawin. Respect lang.”

Sa katunayan, proud nga daw si Dingdong sa kanyang cover pictorial para sa FHM.

Wika ni Marian, “Happy siya!

“Ipinakita ko sa kanya yung mga pictures at tingin ko naman, proud siya na nag-cover yung girlfriend niya nang ganung ka-sexy.”

Samantala, nanalo muli si Dingdong bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa pagganap niya sa One More Try.

Paano nila ipinagdiwang ang tagumpay ni Dingdong?

Sabi ni Marian, “Uhm, nanalo siya, kelan ba yun... [December] 27. At least nung Christmas, magkasama kami hanggang New Year tapos.