May katagalan nang single mom si Candy Pangilinan at hindi na siya naghangad pa ng karelasyon. Sabi niya: “Mas na-appreciate ko ang buhay ko kapag single ako. Mas tutok ako sa mga pangangailangan ng anak ko. At mas may focus ako sa mga trabaho ko.”

Photo: Noel Orsal

Taong 2011 pa ang huling teleserye ng TV-film and stage comedienne na si Candy Pangilinan sa ABS-CBN.

Huli siyang nakasama sa Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbidahan nila Coco Martin, Maja Salvador at Andi Eigenmann.

Nagkaroon din siya ng mga projects sa GMA-7 kunsaan ginawa niya ang Hiram Na Puso at sa TV5, ginawa naman niya ang P.S. I Love You at Bagets: Just Got Lucky.

Ngayong taon ay nasa bakuran pa rin ng Kapuso network si Candy at kasama siya sa bagong afternoon series na Forever.

 

Dito ay makakasama niya sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, at Ms. Gloria Romero.

Gagampanan ni Candy ang role na Susie na siyang nakakaalam ng lihim ni Adora (Gloria Romero).

Magiging bata ulit dito si Adora sa pamamagitan ng isang mahiwagang antigong relo.

FIRST OFER. Ayon kay Candy, dapat ay isasama siya sa bagong series na ididirek ni Wenn Deramas, pero nauna na raw siyang i-cast sa Forever.

“Unahan lang naman ang labanan ngayon, di ba?” bungad niya.

“Nag-story conference na kami para sa Forever noong tawagan ako ng Dos.

“Siyempre, committed na ako sa Siyete. Pero nakakapag-guest naman ako sa ibang shows doon tulad sa Toda Max.

“'Tsaka okey naman ang working environment ko dito sa GMA-7.

“Since Hiram Na Puso nga, naging close na ako sa mga production people.

“Yung iba, matagal ko nang mga kakilala kaya mabilis akong naka-adjust.

“Ngayon, almost the same people din ang nasa production ng Forever.

“'Tsaka originally naman, taga-GMA-7 ako. Di ba nasa Mixed Nuts ako noon?