Parang ayaw ni Gian Magdangal na ma-typecast na kontrabida tulad ng kanyang mga ginampanan dati. Sabi niya, “Puwede pa rin naman akong mabait. Para lang siguro mabalanse ang mga roles na gagawin ko for television.”

Photo: Noel Orsal

Puring-puri ni actor-director Ricky Davao ang singer-turned-actor na si Gian Magdangal sa pagganap nito bilang kontrabida sa drama series na Forever.

Si Gian gumaganap na katunggali ni Geoff Eigenmann sa bagong panghapon na teleserye ng GMA-7.

Inamin ni Gian sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng Forever sa GMA Network Center, last January 8, na kaya niya tinanggap ang muling magkontrabida ay dahil kay Direk Ricky.

Na-impress daw si Direk Ricky kay Gian noong idirek niya ito for the first time sa Kokak (2011).

Kaya sa Forever, muling hiniling ni Direk Ricky si Gian para gumanap na Rico. 

Ayon pa kay Direk Ricky, may certain range in acting si Gian na hindi niya nakikita sa ibang mga artista ngayon.

Sobrang flattered naman si Gian sa mga papuring ito ni Direk Ricky sa kanya, kaya labis ang pasasalamat niya sa actor-director.

Kuwento ng Party Pilipinas mainstay, “Sinubukan ko lang talaga itong acting.

“Since I’ve been coming out na nga in musical theater productions, hindi naman ito naiiba sa pag-arte sa TV or sa pelikula.

“My very first teleserye was Rosalinda in 2009.

“Ang role ko doon ay best friend ni Geoff Eigenmann. Ngayon, kontrabida na niya ako."



MORE KONTRABIDA ROLES. Gaya ng nabanggit, hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap na kontrabida si Gian. Una siyang naging kontrabida sa Kokak na idinirek din ni Ricky Davao.

Saad ng singer-actor, “Noong una, hindi ako kumportable na maging kontrabida when they gave me the role of Norman in Kokak.

“Kasi baka hindi ako credible na kontrabida.

“Pero noong sabihin sa akin ni Direk Ricky that I have to build my own character based on the role, tinuluy-tuloy ko na.

“Kasi psychotic ang role ko sa Kokak—obsessed at sadista. So I have to really get into that role.