Kung bakit ayaw nang magbigay pa ng pahayag si Maja Salvador sa sigalot nila ni Kim Chiu dahil kay Gerald Anderson, ito ang paliwanag niya: “Lalalaki pa kasi, e, hindi matatapos. Ano na lang, I’ll ask po for your ano… 'wag nang makisali. Tulungan n'yo kami na sana, in time, yung sitwasyon namin ngayon maayos."

Photo: Monching Jaramillo

Magkasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine na dumalaw sa TV commercial shoot ni Maja Salvador para sa isang telephone company kaninang tanghali, January 22, sa Unitel Studios, Makati City.

Nadatnan naming inaayusan ang young actress at ngumiti ito bilang pagbati. After a quick brunch, ay nagpaunlak na siya ng interview.

May Twitter at Instagram accounts si Maja, pero wala raw siyang Facebook. Kumusta siya sa social networking world?

At dahil nga sa ipinost niyang picture kamakailan sa Instagram, kung saan nandoon si Gerald Anderson kasama ang ilan pang kamag-anak at kaibigan ni Maja, ay nagbunga ito ng iba't ibang reaksiyon.

“Fun sa umpisa, pero may mga araw… may mga pagkakataon na parang hindi rin maganda," umpisa niya.

“Kasi kahit papa'no, kung may mabasa man ako, o kami na negative, o kung anuman yung nasabi na sobra ka nilang i-judge, or sobra ka nilang kilala na hindi naman talaga, parang ang hirap no’n, di ba?

“Kahit na may gano’ng mga sinasabi, siyempre tao din naman kami, kahit papa’no naapektuhan.

“Pero yun, minsan kailangan mo rin piliin kung talaga bang papayag kang magbasa ng mga comments or mag-post ka ng mga posts.”

Paano niya ito hinaharap?

“Deadma!” walang gatol niyang sagot.

Iniiwasan ba niya ang bashers, o bina-block?

“Hindi, hindi… hindi ako nagba-block.

“Oo, madaming gano’n. E, kailangan nating respetuhin yung mga taong gano’n... kung ano yung gusto nilang i-comment. Sila yun, e."

Dahil dito ay hindi na lang daw siya nagbabasa ng kahit na anong comment.

“Hindi na. Posts lang ako. I love you,” lambing niyang iwas sa maaari pang itanong ng PEP at YES! itanong.



ART IMMITATES LIFE OR LIFE IMMITATES ART? Sinasabing parallel o parang akma sa totoong buhay ang hidwaan ng karakter nila ni Kim Chiu bilang si Celine at si Maja bilang si Margaux sa Ina Kapatid Anak.