Nanghihinayang si Rocco Nacino sa nasimulan nang career ni Sarah Lahbati sa showbiz. Sabi ng young actor, “Actually, yes, paangat na siya, e. Paangat na, then may ganitong pangyayari. ‘Tapos sa New Year pa, nung pagsimula pa lang [ng taon]. Parang kung kailan you expect to see more of Sarah, saka pa umuwi ng Switzerland.”

Photo: Noel Orsal

Naging maingat si Rocco Nacino sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Sarah Lahbati.

Magka-batch sina Rocco at Sarah sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck V noong 2010. Si Sarah ang itinanghal na Ultimate Female Survivor, samantalang si Rocco naman ang naging Second Prince.

Medyo matagal bago nakapagsalita si Rocco nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa sigalot sa pagitan ni Sarah at ng home network nilang GMA-7.

Sabi ng Yesterday’s Bride star, “Siguro ano… ang sensitive nung issue, e. Mainit yung isyu kasi, e…

“Malungkot lang na it has come to this, pero sana kayanin niya ‘to.

“Maging okay din ang lahat—sana talaga. Sana mawala na ‘yang mga tampuhan-tampuhan na ‘yan.”

Nakausap ng PEP si Rocco nang dumalaw ito sa opisina ng Summit Media sa Pioneer, Mandaluyong City, noong Martes, January 22.

Ano ba ang basa niya sa sitwasyong kinasusuungan ni Sarah?

“Yun din ang nakakapagtaka do’n kaya gusto rin namin siyang kausapin—kung okay lang ba siya, kung ano yung nangyari.

“Pero di ko pa matanong yun sa kanya, kasi nga, masyadong mainit yung situation.

“Baka nalulungkot siya sa nangyari kaya hindi ko pa ma-open up sa kanya.”

Hindi ba sila nagkausap bago umalis ng Pilipinas si Sarah?

Sabi ni Rocco, “Hindi, e… hindi nga.

“Pero actually, kaka-DM [direct message] ko lang siya kanina, kinukumusta ko siya."

Kumusta naman daw siya?