news

Ethel Booba on her comeback TV show: “Gusto kong pagbutihan ito para naman may katuturan ang pagsabi ko na, ‘I’m back!’

by Ruel J. Mendoza posted on January 28, 2013  STATS: 34695 Views | 19 Comments

Nakasabayan ni Ethel Booba noon si Vice Ganda sa mga comedy bars. Patunay ni Ethel sa pagkakaibigan nila: “Noong mga panahon na down na down ako… maraming mga kaibigan ko ang nawala at nilayuan ako. Pero si Vice, siya ang nandiyan para damayan at tulungan ako.”

Photo By: Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat ni Ethel Booba kay Willie Revillame na isinama siya bilang isa sa mga co-host ng bagong noontime show ng TV5 na Wowowillie.

Hindi malilimutan ni Ethel ang mga sinabi sa kanya ni Willie kaya muli siyang nabuhayan ng loob.

Saad ng komedyana, “Diretsahang sinabi sa akin ni Kuya Willie na, ‘May talent ka, gamitin mo nang tama. I am giving you the chance uli. Sana, huwag mo na sayangin!’

“Doon ako parang nagising talaga.

“Dahil may taong nagparamdam sa akin na puwede pa pala ako—na kaya ko pang makabangon sa pagkabagsak ko.

“Nangako naman ako kay Kuya Willie na serious na ako sa trabaho ko.

“Hindi ko pababayaan na mapahiya ako sa kanya dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa show.

“Makakaasa sila na ibang Ethel Booba na ang mapapanood nila araw-araw.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ethel sa press launch ng Wowowillie sa Wil’s Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, last January 23.



LOST OPPORTUNITIES. Dahil sa pagiging pasaway noon ni Ethel kaya marami raw ang nawala sa kanya.

Kasama na doon ang career niya sa showbiz na matagal niyang pinangarap na magkaroon.

Aminado si Ethel na dahil sa kanyang hindi kagandahang attitude at kapabayaan noon sa trabaho kaya maraming nawalang oportunidad. 

Kumpirma niya, “Oo naman, marami talaga tayong pinanghihinayangan noon.

“Marami talaga—mga TV shows, mga raket sa kung saan-saan. Halos lahat.

“Noong mawala isa-isa, pati na ang mga ipinundar ko, doon ako nagsisi talaga.

“Kung naging matino lang ako, di ba? E, di sana bongga pa rin ang career natin.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  kadabarkads

    01/30/2013 | 10:42 AM
    good to know that you're back Ethel. aliw na aliw ako dati dito nung time nya sa extra challenge lalo na pag nagtataray tapos kinakausap niya ang sarili nya, hahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  fifiandtheflowertots

    01/30/2013 | 09:59 AM
    ay sobrang paborito ko si Ethel sa Extra Challenge noon..talagang buong pamilya namin nanunuod ng extra challenge dahil sobrang kwela ng show..sobrang click ang tandem nila ni Paolo B sa Extra Challenge...so glad she's back.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Amstel21

    01/30/2013 | 02:11 AM
    mas magaling si MarianRivera kaysa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  cinelamour

    01/29/2013 | 01:00 PM
    nagsimula si ethel booba sa channel 5 mismo. yung videoke singing contest hosted by allan k.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Xray

    01/29/2013 | 12:39 PM
    Her Gandang Gabi Vice episode was the funniest!! Kasi yung pagka b o b a niya natural talaga, which makes it even funnier dahil hindi sadya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    tanjo143
    01/29/2013 | 05:35 PM
    lol
  • 14  Stellathestar

    01/29/2013 | 10:09 AM
    Extra Challenge will not be the same without Ethel Booba! Glad you are back!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  fishaidkit

    01/29/2013 | 09:09 AM
    Dami kasi scandal kaya nawala sya sa TV. Nakakatwa sya sa Extra Challenge dati. I also watched the uncut version ng guesting nya sa GGV. Nakakatuwa sya, pero hindi pang TV....XD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  veejhay_999

    01/29/2013 | 06:38 AM
    kamukha na niya si Rihanna. :D Shine bright like a diamond, ethel!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    tanjo143
    01/29/2013 | 05:35 PM
    hahahaha
  • 11  redsand

    01/28/2013 | 10:04 PM
    I like her. i donno but i like her as a host. Nakakaaliw siya... Wag lang si Willie pls... nasusuka ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  henriettopex

    01/28/2013 | 09:23 PM
    Ok sana tandem ni vice at ethel hehehe. I wont forget ethel's first guesting sa GGV. But oh well, she joined the dark side. I hope magtagal sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Amstel21

    01/28/2013 | 09:06 PM
    Sorry na lang ang babaeng ito, pinalitan na sya ni Marian Rivera. Si Marian na ang pumalit sa trono nya like sa Extra Challenge
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    01/28/2013 | 10:54 PM
    Hamstel, di ba pareho lang sila ng REAL idolet mong si NGIWI na may Sxvideo scandal din?
    piggybackride
    01/29/2013 | 12:06 AM
    because you compare them both, they must have the same attributes in some ways. I dont want to say what it is but I'm sure its on their level.
    Amstel21
    01/29/2013 | 01:21 AM
    Well pareho silang matalino. hahahaha
    syetedos
    01/29/2013 | 01:47 AM
    Magka level talaga sila ni Marian ha? Galit ka siguro kay Marian Rivera.
  • ejsalot

    01/28/2013 | 07:54 PM
    good luck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yaralei

    01/28/2013 | 07:05 PM
    good luck sana wag kang gawing laughing stock ni willie revillame...knowing him may pagka bastos pa rin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mpmanahan

    01/28/2013 | 06:48 PM
    wala ng credibility ang taong ito. Hay nuknukan ng sinungaling ito...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    rom_05
    01/29/2013 | 09:32 AM
    just dont take her seriously. ako lagi ko nalang iniisip na nagpapatawa siya.
  • ThierryMugler

    01/28/2013 | 06:44 PM
    No question talent ni Ethel. One of the best in the Philippine Comedy scene. I have seen that episode in Bali with Francine, bongga talaga iyon. Her stint in Extra Challenge was the best so far. Sya halos ang nagdadala n show. Sana Ethel nag mature ka na ng tuluyan. Kaya mo yan. Stay strong!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    rom_05
    01/29/2013 | 09:33 AM
    paborito ko rin ang extra challenge before. For some weird reason bagay talaga yung tandem nila ni Paolo bediones.
  • queen_krissy

    01/28/2013 | 06:17 PM
    OMG, may bagong kaka-insecure-ran si sharon cuneta s TV5, hahahaha gudluck ethel! sna bigyan k din ng talk show ng tv5 im sure di lang 1-2 ang rating niang like nung show laos. Insecure kase maxado kay Ate Kris ung laos n talk show host kaya KARMA ang inabot!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    redsand
    01/28/2013 | 10:11 PM
    Bitter ka kapatid! Maligo ka sa asukal.
  • akoikaw

    01/28/2013 | 06:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akoikaw

    01/28/2013 | 06:08 PM
    Inabangan ko ang telecast ng Wowowillie. Okay ang opening number,panalo ang production number. Nagkaron lang ng aberya dahil nag black out sa studio. Obviously na di inaasahan ng staff na magkaka black out. Nandun pa man din sina Manny Villar at mga bosses. Napansin ko lang na mejo gasgas na yung mga jokes ni Ethel Booba. May mga times na nakakatuwa siya pero madalas alam mong gamit na gamit na yung punchline. Tips ko la na sana paghandaan niya lalo na na katapat nila ang Eat Bulaga at Showtime. Kelangan patunayan ni Ethel na worth it siya sa show dahil medyo nakakaumay na yung mga punchlines niya at maraming beses ko ng napanuod sa Extra Challenge yun nung panahon na siya pa ng host.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spotthedifference

    01/28/2013 | 05:40 PM
    goodluck ethel
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About