Alice Dixson finally opens up about the divorce case she filed at the Canadian court together with her husband, Ronnie Miranda. Alice, however, denies that “third party” and her work commitments here in the Philippines caused their separation.

Photo: Noel Orsal

Nakatira kasi silang mag-asawa sa Vancouver, Canada, at noong nakaraang taon ay pareho na silang nabigyan ng Canadian citizenship.

Pero ang hindi malinaw ay kung ano ang basehan ng pagpa-file nila ng divorce sa grounds na “irreconcilable differences.”

Una nang nilinaw ni Alice na, “No, no third party.”

Hindi rin daw ang kanyang pagtatrabaho sa Pilipinas ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

“No, not at all,” pagtanggi ni Alice.

“We have been apart earlier in our marriage when I would come home for work.

“First time I came back was in 2002 for a GMA soap and it lasted for three years.

“But I would go back to Vancouver for visits and Ronnie would come to visit me, too.

"We were connected, we got in touch.

“So the distance has absolutely nothing to do with it.”

Dagdag pa niya, noong bumalik siya muli ng bansa noong 2006 nang pumanaw ang kanyang ama, maayos pa ang relasyon nila ni Ronnie.

Katunayan, 2007 ay nagkalayo sila ulit nang kumuha ng real-estate license si Alice sa Amerika, at magtrabaho doon ng isang taon.

Kuwento ng aktres, “In 2007, I went to the States to get my real-estate license and I worked there for a year, without Ronnie who stayed in Canada.


“Laki ako sa States so I decided to have my training and my exams there.

“Back in Vancouver, I worked with a residential real-estate company for a year and then I got an offer to do commercial real estate and that’s what I did for the next two years.

“Before that, much earlier when I was newly-arrived in Canada, I did mostly production work for a Canadian TV company.”