Mariing pinabulaanan ni Xian Lian ang nababalitang tensiyon sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa set ng kanilang primetime series na Ina Kapatid Anak. Sabi niya, “Para sa akin wala, wala akong nararamdaman... Makikita naman nila sa Instagram ko yun, na everyone’s just happy.”

Photo: Noel Orsal

Ngayong Valentine’s Day, hindi pa sigurado si Xian Lim kung mayroon siyang makaka-date.

“Wala pa, e... sikreto pa. Tingnan natin,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching at endorsement niya ng Cloudfone last Tuesday, February 12, sa Prive Luxury Bar, Fort Strip, The Fort.

Bakit kaya single pa rin siya hanggang ngayon?

“Wala, e, trabaho, trabaho muna!” natatawa niyang sagot.

Kumusta na ba yung panliligaw niya sa co-star niya sa Ina Kapatid Anak na si Kim Chiu?

“I make her feel special,” simpleng sagot ni Xian.



EXCITING EPISODE. Bukas, February 15, sa episode ng Ina Kapatid Anak, ipakilala na si Kim bilang opisyal ng bahagi ng pamilya nina Maja, Janice de Belen, at Ariel Rivera.

Isa ang Ina Kapatid Anak sa top-rating soap ng Kapamilya network, kaya naman nagpapasalamat si Xian sa mga tagasuporta ng show.

Aniya, “Well, thank you, thank you... nagpapasalamat kami sa lahat ng mga taong sumusuporta.

“We’re really thankful, we’re really grateful na tinangkilik kami ng tao.”

Ito raw ang isa sa mga nagpapasigla sa binata kaya daw talagang pinaghahandaan niya ang kanyang atake sa bawat eksena.

Dagdag pa ni Xian, “Well, siyempre nagpapasalamat ako, naibigay sa akin ang magandang role.

"Kaya I will do the best I can para maibigay ang tamang pag-arte.”

Dahil magagaling daw ang kanilang mga kasamahan, hindi raw siya nagpapabaya lalo na kapag take na.

Saad niya, “Mga veteran actors [mga kasama ko].

“So siyempre, nakakahiya naman kung hindi ko pag-aralan yung mga linya ko nang maigi, di ba?”



NO TENSION. Halos isang buwan nang usap-usapan ang iringan nina Kim at Maja bunsod ng pagkaka-link ng huli sa ex-boyfriend ng una na si Gerald Anderson.