“Ready na ako. You cannot really please everyone,” says BB Gandanghari on the possibility of getting negative opinions about her intimate scenes with male co-stars in the stage production Halik ng Tarantula—Jet Alcantara (inset, top) and Jovic Susim (inset, bottom).

Photo: Mark Atienza

“I don’t know. I hope. I will be very, very shocked.”

Ito ang nasabi ni BB Gandanghari nang tanungin siya kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling manood ang mga kapatid niyang lalaki ng stage play niyang Halik ng Tarantula.

Ang nasabing produksiyon—na mapapanood sa Marso 7, 8, at 9 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan—ay pangalawang play ni BB Gandanghari simula nang aminin niyang isa siyang homosekswal.

Ang una ay Sayaw ng mga SENIORita noong nakaraang taon. (CLICK HERE to read PEP’s review.)

Sa panayam ng entertainment media kay BB kagabi, February 20, sinabi niya na ang nanay pa lamang niyang si Eva Cariño ang natatanong niya tungkol sa pinagbibidahang stage play.

Noong una raw ay nagdalawang-isip pa si Mommy Eva kung manonood siya ng Halik ng Tarantula.

Natatawang kuwento ni BB, "Actually, noong Sunday, naglolokohan nga kami ng mommy ko. Sabi ko, ‘Ma, manonood ka ba?’

"Sabi niya, ‘Pinag-iisipan ko pa.’

"Sabi ko, ‘Huwag na nga, baka hindi mo kayanin.’

"Sabi niya, ‘Sige, huwag na nga,’

"Ako, ‘Bakit?’

"Sabi niya, ‘Sabi mo baka hindi ko kayanin, e.’"

Kinalaunan ay nakumbinse rin niya ang ina pero may nakakatawa raw itong komento.

“Sabi niya, ‘Sige. Kaya lang baka paglabas ko doon, loka-loka na ako!

“Pagpasok ko normal, loka-loka na ako paglabas!’"