news

Former Star Magic talent Arno Morales arrested for allegedly uploading sex video on Internet

by Arniel C. Serato posted on March 8, 2013  STATS: 46098 Views | 24 Comments

Inaresto ng mga operatiba ng NBI ang young actor na si Arno Morales dahil sa pag-a-upload diumano nito ng sex video nila ng kanyang girlfriend sa Internet. Kasalukuyang nakapiit si Arno sa NBI Headquarters.

Photo By: File

Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, March 8, ang dating Star Magic talent na si Arno Morales.

Ito ay dahil diumano sa pag-upload ng young actor sa Internet ng sex video nila ng kanyang girlfriend matapos nilang mag-break noong isang taon.

Si Arno—Arno Udo Fermin Fuch sa totoong buhay—ay 20 years old at nakatira sa Quezon City.

Si Arno ang gumanap na nakababatang kapatid ni Sarah Geronimo sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.

Sa ulat ni Leonard Postrado ng Manila Bulletin, sinabi ni NBI Technical Intelligence Division Chief Atty. Palmer Mallari, "Apparently, Mr. Morales has a pending warrant of arrest issued by the Pasig Regional Trial Court for uploading a sex video on the Internet."

Naaresto raw si Arno bandang alas-otso ng umaga kanina sa kanyang tahanan.

Ayon sa imbestigasyon ng NBI, inihabla ang young actor kaugnay ng Violation of Republic Act (RA) 9262 o Violence Against Women and Their Children sa Pasig City Regional Trial Court Branch 162, sa sala ni Presiding Judge Cesar Pabel Sulit noong nakaraang taon.

Ito ay dahil sa reklamong isinampa ng kanyang 17-year-old girlfriend.

Dagdag pa ng NBI, sinabi raw sa kanila ng dalaga na si Arno ang dahilan ng pagkalat ng kanilang sex video matapos silang magkahiwalay last year.

Noong February 21, iniutos ni Judge Sulit ang pag-aresto kay Arno, pero hindi na raw naabutan ng mga pulis ang batang aktor sa kanyang bahay sa may Blueridge, Quezon City.

Ayon din sa NBI, nakatanggap sila ng tip mula sa isang impormante na nakatira na raw si Arno ngayon sa Project 6, Quezon City.

Ito raw ang nagtulak sa kanila na isailalim sa surveillance ang tinitirhan nito sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Atty. Mallari, “Siyempre artista kaya medyo mailap siyang makita, so tinrace namin yung location kung saan in-upload yung sex video using the IP address."

Nang malaman nilang dito nga sa bahay sa Quezon City na nakatira si Morales, nag-apply raw kaagad sila ng search warrant sa Quezon City Regional Trial Court na inaprubahan ni Judge Eleuterio Bathan ng Branch 92.

Sa pagkaaresto kay Arno sa bahay nito, nakuha rin ng NBI ang laptop at iba pang gadgets na naglalaman ng sex video at mga hubad na larawan ng kanyang dating girlfriend.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  alexis2222

    03/09/2013 | 09:25 PM
    nakakasawa na rin ang mga kaengengan ng ibang tao... papayag ka mag pa video tapos magugulat ka na kumalat sa internet,,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  comment_lang

    03/09/2013 | 04:18 PM
    kagagawan eto ng RH bill kaya tuloy pati mga bata iniisip na they're doing safe se x at ok lang dahil di naman mabuntis haissstttt
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    uzisassy
    03/15/2013 | 03:22 PM
    Bakit RH Bill, ang sisihin mo ang yung mga magulang na nagpabaya na gumanyan-ganyan ang anak. The girl is only 16yo, Duh!
  • 22  comment_lang

    03/09/2013 | 04:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  chrissychross

    03/09/2013 | 04:10 PM
    sinayang mo lang ang iyong pagkakataon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  pugadbaboy123

    03/09/2013 | 01:14 PM
    ang guwapo ni arno, no wonder kinuha sya ng ABS, bukod sa world class na at quality ang programming balance pa ang nakakakilig ang mga programa. apat na maria malapit na
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  Johann29

    03/09/2013 | 11:15 AM
    ay naku ayan kasi gagawa gawa ng video... None of this could've happened if HINDI pumayag yung girl. PAREHO lang sila nag consent sa bagay na yun kaya nangyari. Ayan ngawa sila ngayon. jusko mga kabataan nga naman ngayon. BOTTOM LINE is be responsible for your own actions. Pareho lang at fault ung 2 kaya wag na magsisihan dapat yung mga magulang nila bantayan nlng at ng hindi na nglalandi pareho.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  edwinchinatrust

    03/09/2013 | 08:57 AM
    da who hay nakoh gagawa gawa ng video tapos pag nawala cp , sasabihin walang kasalanan tapos pag na upload magdedeny hay nakoh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  sixtogracia

    03/09/2013 | 07:58 AM
    Sensitibong bagay ito. Wag niyong idamay ang network war dito. Ang kikitid ng utak niyo, imbis na mag comment kayo about sa topic idinadamay ninyo ang GMA o ABS na hindi naman kailangan. Buti sana kung TV ratings ang topic. FYI lang hindi basta video lang itong ginagawa "LANG" ang term ng iba sa sex video na ginawa? WTF?! Babae ka ba? Kasi kung babae ka, kawawa ka naman pag nangyari sayo ito. Kung lalaki ka naman, NO wonder you love your balls more than your credibility.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  TrueGrit

    03/09/2013 | 02:40 AM
    He can go Fuchs himself
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  TrueGrit

    03/09/2013 | 02:39 AM
    No wonder his real name is Fuchs because it suits him, he likes doing it. Eewww, disgusting critter!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    03/09/2013 | 03:12 PM
    same with his gf na at that time ay 16 years old lang. hindi na siya rin nahiya sa edad niyang 16 ay nakipag sex na siya kaagad. at ngayon kakalat ang sex video niya ay reklamo siya agad. next time hwag papayag na kunan ang mga pinaggagawa ninyo ng bf ninyo kung ayaw ninyong kumalat ang mga sex video ninyo. gross sila pareho kaya dapat pareho silang parusahan.
  • 14  ICUM2U

    03/09/2013 | 02:13 AM
    da who siya !
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  1NETWORKWARAREFORIDIOTS1

    03/09/2013 | 12:44 AM
    sana huwag nang haluan ng network war. this is a serious offense and network affiliation has nothing to do with the crime. Clearly, medyo hindi nagabayan ng husto ang batang ito for him to think na hindi big deal ang nagawa nya. And yes, mukhang nagdu-droga nga sya. Sayang ang mga opportunities nila. I hope the girl can weather the storm just like Maricar and Katrina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    03/09/2013 | 03:19 PM
    ang girl ay so liberated dahil sa young age niyang 16 ay nakaya niyang pumayag na maki pag s e x sa bf niya. sana madala na siya para di na niya gawin next time na makipag bf ulit siya.
  • 12  TwoJuaquinTwo

    03/08/2013 | 09:39 PM
    StarStruck Avengers Vivo Ouano and Jeric Rizalado arrested in drug buy-bust operation Nerisa Almo Friday, October 07, 2011 12:33PM | 1686 views
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    chikorita_pikachu
    03/08/2013 | 10:32 PM
    anong petsa na? sinama tlga sa copy and paste ang petsa.. wala bang bago... WAHAHAHAHAHA!
    tilapyangmataba
    03/08/2013 | 11:41 PM
    sabihin mo yan sa mga taga kamuning na hindi maka move on sa Thelma hihihihi.
    TwoJuaquinTwo
    03/08/2013 | 11:54 PM
    Bahh ano ba petsa pa ng nawala yang c morales sa star magic? Bwhahaha. Talgang dinamay pa ang star magic! Desperado na c goZon bwhahahahaa oo sinama ko ang date para may proof!!! Bde asan na yang mga adiktus na yan? Laya parin ba?
    TwoJuaquinTwo
    03/08/2013 | 11:56 PM
    2008 pa ang huling naging project nian sa abs!! Dinamay pa talga ng peo ang star magic!!! Desperado na si gozon
    sixtogracia
    03/09/2013 | 07:59 AM
    Utang na loob naman TwoJuaquinTwo? anong klaseng tao ka ba? Sensitibong bagay ito. Yang mga network war dapat hindi niyo isinasali sa ganitong bagay.
  • 11  TwoJuaquinTwo

    03/08/2013 | 09:37 PM
    Ok na yan!!! Videos lang yan!! Bsta wag ka gagaya sa mga starteuck boys na nagbebenta ng droga kaya naaresto!!! Desperado na ang gma!! Bwhaha talgang dinawit ang star magic!!! Bwhahahahhaa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  merlion_25

    03/08/2013 | 08:36 PM
    Snakepit slash libel slash crime station of all time - ABSCBN. tsk tsk tsk!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    g2013kapamilya28
    03/08/2013 | 08:52 PM
    may bo2x na nagbabasa dito...sabi nga eh Former Star Magic talent Arno Morales...ibig sabihin bago kumalat yung video hindi na sya sa star magic! eh yung badboy ng dance floor nyo... talagang pinakita nya yung kanya sa internet tapos dineny pa eh totoo naman...hay, bo2x
    Einstein_1
    03/08/2013 | 09:26 PM
    ung anchor niyo un.. search mo ulet kung gus2 mo makita. haha!
    magisip
    03/08/2013 | 10:46 PM
    ka vovohan festival, bakit yung mga hyden kho,moo twister issues sinisi ba ang station nila? hahaha...kalorkes....
  • jagjof

    03/08/2013 | 08:36 PM
    napapadalas ata sa presinto ang mga talents ng star magic?
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    tilapyangmataba
    03/08/2013 | 08:40 PM
    magaling kasi tumakas si Mo at hindi naman nag file si Krista against Jay-R kaya ganun. isama pa natin yung ongoing pa na case ni clau clau hihihihi.
    g2013kapamilya28
    03/08/2013 | 08:52 PM
    may bo2x na nagbabasa dito...sabi nga eh Former Star Magic talent Arno Morales...ibig sabihin bago kumalat yung video hindi na sya sa star magic! eh yung badboy ng dance floor nyo... talagang pinakita nya yung kanya sa internet tapos dineny pa eh totoo naman...hay, bo2x
    chantyllan
    03/08/2013 | 11:00 PM
    g20, totoo ba yung kay MArk Herras? If yes, swerte nung anak ni Nadia ah. Hindi Duty free
    opinion_ko_to
    03/08/2013 | 11:41 PM
    oi nakalimutan nyo yung pambubogbog ni Papa dennis.hahaha
    sixtogracia
    03/09/2013 | 08:00 AM
    Naku naman. Wala sa STAR MAGIC yan. Wag na kasing idamay kung saan galing talent firm o network. Sensitibong bagay ito.
  • lostris

    03/08/2013 | 08:22 PM
    kunsintidorang ina, kaya lumaking ganyan anak mo e...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pipay_ganda

    03/08/2013 | 07:44 PM
    pak pala
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pipay_ganda

    03/08/2013 | 07:42 PM
    grabe naman to. living up to his real last name? acheche.corny po pero naaliw lang ako sa last name. para kaseng pal hehe. la lang ..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    03/08/2013 | 07:40 PM
    starlets da who na naman only from kapamilyaks.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    yayay911
    03/08/2013 | 08:14 PM
    network fantard alert!
    tilapyangmataba
    03/08/2013 | 08:39 PM
    itanong mo bakit si Mo hindi nahuli, isang lehitimong kamuning starlet. di ba EinsteinKuno?
    Einstein_1
    03/08/2013 | 08:51 PM
    ang masasabi ko lang.. ngkalat mga starlets da who niyo sa pep.
    sixtogracia
    03/09/2013 | 08:01 AM
    No to network war on this case please.
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About