Hindi raw puwedeng pagselosan ni Precious Lara ang mga magagandang kasama ni Marco sa Indio. Dahilan ni Marco: “'Tsaka nagbagong-buhay na po ako, e. Hindi na nga po ako tumitingin, e...friends lang, friends lang.”

Photo: Noel B. Orsal

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging tatay ni Marco Alcaraz sa four-month-old baby nila ng 2005 Miss International at aktres na si Precious Lara Quigaman.

“Batang-ama in four months,” sabay-tawa ni Marco.

“Enjoy, kasi 'pag umuuwi ako, nilalaro ko yung bagets.

“Pero more on si Lara talaga yung hands-on na nagbabantay.

“Pag may taping siya, may taping rin ako. Usually yung tita niya ang nagbabantay.”

Kasama sa cast ng Indio ng GMA-7 si Marco bilang isang kontrabida.

Kuwento niya, “Kanang-kamay ako ni Señor Juancho, which is si Direk Michael de Mesa.”

“Parang naiingit ako sa ano...si Indio kasi, prior to that, kanang-kamay siya ni Señor Juancho. So, naiinggit ako.

“Español ako, then siyempre, bakit Pinoy yung kanang-kamay niya? So, may inggit ako.”



FLATTERED. Masaya si Marco na maging bahagi ng Indio lalo’t mga batikang artista ang mga nakakasama niya rito.

Saad niya, “Una, flattered at saka at the same time, kinakabahan, dahil, naikuwento ko nga, kapag kaeksena mo si Sen [Senator Bong Revilla]...

“Yung mga times na binubuhusan ko nga siya ng tubig 'tapos binu-bully ko, inaangasan ko.

“Nakaka-flatter din siyempre, Direk Michael de Mesa. Ilang taon na sa industriya.

“Si Sen na sobrang... Senador and at the same time ang tagal na rin niyang artista, na mga respetado.”



EMBARRASING. Ang kuwento pa ni Marco sa eksenang binuhusan niya ng tubig si Senator Bong, “Sabi ko sa kanya bago yung take, ‘Ah, Sen, paano ko po ito gagawin, Sen?’

“Kasi nga kinakabahan ako,” ang tumatawang sinabi pa ni Marco.

“First time ko to work with him.