Pahayag ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon, "Happiness is a decision. Idine-decide mo sa sarili mo na itong taong ito ay makakasama ko forever. But whatever it takes, negative, positive, inaano ko sa sarili ko na siya na ang makakasama ko forever. Hindi man maganda o hindi man perfect, dahil wala naman talagang perfect relationship. Parang it’s my decision na he will be the last man in my life.”

Photo: Noel Orsal

Habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai delas Alas sa shooting ng Kung Fu Divas, napansin namin ang picture nila ng boyfriend niyang si Jed Salang sa salamin ng kanyang make-up kit.

Kuwento ni Ai-Ai, “Kuha ito sa birthday ni Sophia. Inalis ko sa bag ko kasi nabasa yung frame.

“E, papel lang yun dahil photo booth ‘yan. Kaya ko inilagay diyan kasi mainit.”

Sa hiwalay na panayam sa co-star ni Ai-Ai sa pelikula na si Marian Rivera, nabanggit nitong napag-uusapan din nila ang kani-kanilang lovelife.

“Oo, palagi," pagkumpirma ng Kapamilya star.

"Bongga naman pa rin.

"Sabi ko nga, 'Ang suwerte-suwerte natin. Maganda na ang work natin, maganda pa tayo, maganda pa ang lovelife natin, di ba? We’re so blessed.'

"And yun, thankful lang kaming talaga.”

Dugtong pa niya, “Si Marian, napakasipag niyan.”

Masipag din naman siya, di ba?

“Oo nga,” balik niya.

“Pero kumpara sa kanya noon, oo. Pero ngayon, anu-ano na lang din ako.”

Dahil mayaman na si Ai-Ai?

“Hindi naman. Kasi, ano rin ‘yan, depende sa edad. Hindi na kaya ng powers ko ito, dyolog na lang lola mo!"