Bagamat naglabas na ng desisyon ang Supreme Court na nagpapatanggal kay Lucy Torres Gomez bilang kongresista ng fourth district ng Leyte, ayon sa Comelecy ay hindi pa ito pinal. Sabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., “She’s not yet officially unseated, not until it becomes final and executor.”

Photo: Arniel C. Serato

Hindi pa puwedeng makakilos ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Supreme Court na nagpapatanggal kay Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng fourth district ng Leyte, hanggang hindi pa final ang nasabing kautusan.

Ayon sa report ng inquirer.net noong Miyerkules, March 20, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., “She’s not yet officially unseated, not until it becomes final and executor.”

Ayon naman kay Comelec Education and Information Department Director James Jimenez, hinihintay pa ng kanilang ahensiya na matapos ang buong proseso dahil sinabi ni Lucy na magpa-file ang kanilang kampo ng Motion for Reconsideration.

Dagdag pa ni Jimenez, “We need to finish the process there before we can decide on how it will affect her candidacy or her future candidacies if ever.”

Sa kaugnay namang ulat kahapon, March 21, sinabi ng Comelec na hindi nakakaapekto sa kandidatura ni Lucy ang pagkakatanggal sa kanya bilang kongresista fourth district ng Leyte.

Ito ay ayon kay Veronico Petalcorin, assistant director ng Comelec sa Eastern Visayas.

Wala raw balakid sa pagtakbo ni Lucy ang naging desisyon ng Supreme Court sa pagpapatanggal sa kanya sa House of Representatives.

Matatandaang sa botong 7-4-4 ay tinanggal ng Supreme Court si Lucy bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Leyte.

Ayon sa SC, hindi valid ang pagpalit niya sa kandidatura ng kanyang asawang si Richard Gomez sa pagka-kongresita noong 2010 elections.

(CLICK HERE to read related story.)

Dagdag pa ni Petalcorin, lahat ng nagawa ni Lucy sa kanyang distrito ay valid.

Aniya, “She is, or she was, a de facto official at that time. She was clothed with legal authority, which means she is entitled to all the salaries, benefits and emoluments.”

Tumatakbo muli si Lucy sa ika-apat na distrito ng Leyte na kinasasakupan ng mga bayan ng Albuera, Kananga, Palompon, Isable, Matag-ob, Merida, at Ormoc City na may kabuuang voting population na humigit-kumulang 248,000.

Ang kanya namang asawang si Richard ay tumatakbong mayor ng Ormoc, sa ilalim ng Liberal party.