PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities say no to "corrupt" candidates!

First-time voter Coleen Garcia says voting is a "very big responsibility."
by Nikko Tuazon
Published Apr 2, 2013
Iisa lang ang katangian ang ayaw makita ng mga stars— gaya nina (clockwise) Coleen Garcia, Enrique Gil, Rochelle Pangilinan, at Rocco Nacino— sa kandidatong kanilang iboboto, at ito ay ang pagiging kurakot.

Sa nalalapit na eleksiyon, puspusan ang pangangampanya ng mga kandidato para sa iba't ibang posisyon sa gobyerno.

Marami sa kanila ay nangangako, at may ilan ding nagdadala ng artista, na sinasabing may crowd-drawing power.

Madalas nating makita ang mga idolo nating nakikisayaw at nakikikanta sa mga pulitiko. Pero gaya ng mga ordinaryong tao, may pamantayan din sila sa pagboto.

Ito ang inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):


Coleen Garcia: “It’s my first time to vote ngayon [so] pinag-iisipan kong mabuti because it’s a very big responsibility.

“Corrupt, siyempre, di ba? Yun lang naman, e. I want to vote for someone who will take care of our nation, someone who is smart and has a lot of bright ideas to share to help develop the Philippines."

Rochelle Pangilinan: “Yung alam na natin na palasak na corrupt... So wag na nating iboto, masyado nang palasak yung mga taong iyon at hindi ko na iisa-isahin. Alam niyo na yung kung sino, 'wag niyo nang lokohin ang mga sarili ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rocco Nacino: “Of course ayaw natin ng corruption, ayaw natin ng lazy workers. We always want people na idealistic, na magaganda ang plano, at the same time, sure ka na matutupad [ang mga pinangako nila].”

Enrique Gil: “Para sa akin, pagka corrupt na tao, hindi ko masasabing ‘ikaw corrupt ka,’ hindi ko masasabi, e... kahit anong sabihin nila, hindi mo talaga malalaman [kung corrupt sila].

“Hindi ko sinasabing corrupt ang marami diyan pero wala talagang, there’s nothing sure sa politics talaga.”

“Sa akin talaga, pag nakikita mo ang isang tao na hindi lang matalino pero kapag malinis ang konsensiya, iba yun. Kakaunti lang [sila] at mahirap hanapin.”

Enzo Pineda: “Candidate na hindi ko iboboto, siguro someone who has a bad record already and some who is not consistent sa kung ano yung sinasabi nila sa kung ano yung ginagawa nila.”

Janine Tugonon: “Kasi ako, pagdating sa ganyan, gusto ko niri-research muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ako ang hindi ko iboboto ay yung mga [kandidatong] may nagawa na hindi maganda or yung napatunayan na beyond reasonable doubt na may ginawa silang hindi maganda or wala sila masyadong na-contribute sa pamumuno nila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iisa lang ang katangian ang ayaw makita ng mga stars— gaya nina (clockwise) Coleen Garcia, Enrique Gil, Rochelle Pangilinan, at Rocco Nacino— sa kandidatong kanilang iboboto, at ito ay ang pagiging kurakot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results