PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director Wenn Deramas on Maricel Soriano controversy: "Move on na lang, huwag nang ungkatin."

Direk Wenn explains why his movie with Maricel and Eugene will come first before Vice Ganda's movie.
by Melba R. Llanera
Published Apr 1, 2013
Sina Maricel Soriano at Eugene Domingo ang mga bidang artista ni Wenn Deramas sa pelikulang Oh My Mama Mia!. Ayon sa direktor, naging masaya ang first shooting day nila at walang sapawang naganap sa pagitan ng dalawang aktres.

Sa halip na Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda ang susunod na gagawin ni Direk Wenn Deramas, pagkatapos ng blockbuster hit na Sisterakas (2012), ay ang Oh My Mama Mia! nina Maricel Soriano at Eugene Domingo muna ang sisimulan ng direktor.

Sa panayam ng PEP.ph kay Direk Wenn sa telepono kahapon, March 31, ipinaliwanag niya kung bakit mauuna niyang gawin ang pelikula nina Maricel at Eugene sa pelikula ni Vice.

Aniya, “Di ba, nagkaroon ng mga abe-aberya nung January-February?

“Nung March, willing naman na magsimula na kami, kaya lang mapuputol, kasi may mga alis-alis siya [Vice], mag-a-abroad siya.

“So, dinesisyunan na lang namin na June magsisimula para dire-diretso. October ang playdate.”



HAPPY SET. Ikinuwento rin ni Direk Wenn na masaya ang samahan sa set ng pelikula nina Maricel at Eugene.

“Ang saya-saya namin nung first day, ang saya-saya!

“Nakakatawa, kasi si Maricel, ang una naming kinunan agad, nung pole dancer siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So nakatodong-ayos ng buhok, nakaano… ang saya agad!

“Nung eksena naman nila ni Uge, sabunutan agad, flashback, na nahuli ni Uge na si Maricel ang kabit ng asawa niya.

“Kuwentuhan… ang saya!”

Wala rin daw sapawan na nangyari sa pagitan ng dalawang aktres.

Saad ni Direk Wenn, “Sapawan? Hindi, kasi pareho nilang gusto ang isa‘t isa, e.

“Hindi naman ito ang first time nila nag-Bahay Kubo [2007] na sila, di ba?"

Patuloy niya, “Parehong pantay ang kanilang roles, parehong bida, pareho silang nanay.

“Si Maricel, nanay ni Billy Crawford. Si Uge, nanay ni Andi Eigenmann.

“Support namin sila Candy [Pangilinan], sila Joey Paras, Mel Martinez… puro mga komedyante rin so nakakatawa.

“Ang saya-saya sa set, tawanan lang kami nang tawanan.”



ON DIAMOND STAR. Naging kontrobersiyal si Maricel sa pagsisimula ng 2013 dahil sa pagkakaalis nito sa cast ng ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Nag-ugat ito sa naging sigalot ng aktres sa co-star sana niyang si Gerald Anderson sa unang araw pa lamang ng kanilang taping. Dahil sa pangyayari ay pinalitan si Maricel ni Dawn Zulueta bilang ina ng young actor sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang kumustahin ng PEP kay Direk Wenn si Maricel pagkatapos ng mga intriga ay umiwas itong magbigay ng komento.

Aniya, “Kami mismo ayaw na naming balikan, ayaw na naming pag-usapan.

“Kaya nga sa mga interviews, ayaw niya rin.

“Move on na tayo, ganun lang ang gusto niyang mangyari.

“Wala nang titingnan sa mga nangyari, tutal tapos na naman yun.

“Yung mga nasabi, hindi na maibabalik, so ang sa kanya, move on na lang, huwag nang ungkatin.”

Naikuwento noon ni Direk Wenn sa PEP na nagpatawag ng dinner ang Diamond Star sa bahay nito, kung saan nagtanong ito sa kanya kung tuloy pa rin ba ang mga proyektong gagawin nila dahil nga sa nangyari sa kanila ni Gerald.

Ang pelikulang sinisimulan nilang gawin ngayon ay patunay lang na hindi naging hadlang ang mga nangyari upang matuloy ang mga proyekto ng aktres sa direktor.

(CLICK HERE to read related story.)

Dagdag pa ni Direk Wenn, “Tuloy na tuloy. Plus June, siya uli ang kasama ko bilang nanay ni Vice, di ba?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ibig sabihin ng direktor ay si Maricel ang gaganap bilang ina ni Vice sa Girl Boy Bakla Tomboy.



NO MMFF ENTRY? Nakasanayan na tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF) na may pelikulang kasali si Direk Wenn.

Dahil by October ang playdate ng pelikula ni Vice, nangangahulugan kaya ito na walang entry ang direktor sa MMFF ngayong taon?

Tugon niya, “Hindi ko pa alam kasi dalawa itong magkasabay na ginagawa ko ngayon, e.

“Nagsimula na rin ako nung Maricel-Uge, nung [March] 25 kami nagsimula.

“Itong Bromance naman, may playdate nang May 1… ngarag!

“So right after nitong Bromance, ipi-pre-prod naman itong kay Vice.

“So habang ginagawa, siguro yung kay Vice by May, siguro magsa-submit ng…

“Hindi ko pa alam kung ano ba ang gagawin ko—yung kay Vice ba o Ai-Ai [delas Alas].”

Ang Bromance ang launching movie ni Zanjoe Marudo mula sa Star Cinema at Skylight Films.



NO PRESSURE. Sunud-sunod ang pagiging blockbuster ng mga pelikulang ginagawa ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya tinanong ng PEP kung sa tuwing may ginagawa ba siyang pelikula ay laging may pressure na dapat ay kumita ito at maging isa ring blockbuster.

“Wala, wala talaga,” sagot niya.

“Hindi naman araw-araw 300 million ang pelikula.

“Mas masaya sa isang taon, naka-266 ang This Guy’s [In Love With U Mare] tapos 402 million yung Sisterakas.

“Saan ka pa naman hihiling, di ba?

“So sakaling yung isa mong pelikula ay nasa ganitong kita lamang, puwede kang mag-bounce back uli.

“Coming from Praybeyt Benjamin na 342 [million], ang sumunod ko Moron 5 na 92 million.

“Pero malaking-malaking kita yun considering sa kung ano yung bida, kung ano yung budget ng pelikula.”

Bukod sa sunud-sunod na mga pelikulang ginagawa at gagawin niya, may dalawa ring teleserye na sisimulan sa ABS-CBN si Direk Wenn.

“Tuloy na tuloy din naman yung Galema ni Andi Eigenman at Bekikang, parang baklang Bakekang na si Joey Paras ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halos sabay ko siyang gagawin.

“May mga pina-finalize na lang dun sa Galema, pero sa Bekikang, ready to shoot na yun.”

Sa sunud-sunod na mga trabaho, nakatulong daw nang malaki kay Direk Wenn ang katatatapos ng Holy Week kung saan nakapagpahinga siya at nakapag-recharge.

Kuwento niya, “Martes pa lang nandun na ako sa Caramoan, e.

“Umuwi kami kagabi lang [March 30], dumating kami ng Manila mg alas-onse ng gabi.

“Family and friends, eighteen kaming lahat.

“By land, parang ten hours papuntang CWC tapos three hours yung papuntang Caramoan island.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Maricel Soriano at Eugene Domingo ang mga bidang artista ni Wenn Deramas sa pelikulang Oh My Mama Mia!. Ayon sa direktor, naging masaya ang first shooting day nila at walang sapawang naganap sa pagitan ng dalawang aktres.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results