Sa pamamagitan ng kanyang Facebook status, nakiusap si Rosanna Roces sa mga gustong uminterbyu sa kanya tungkol sa naging problema nila ng anak niyang si Onyok: "Pls lang Usaping pamilya ito..irespeto nyo naman..hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan ..Para ano Para saan????? makakagulo lANG kayo sa mga isyung dapat kaming mag ina ang involve, Wag nyo ng gamitin ang isyung to sa pag divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat..YAN ay ang mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.”

Katulad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinubukan din ng ilang press at media na kumustahin ang kalagayan ni Rosanna Roces at kung gusto nitong magpa-interview hinggil sa nangyaring gulo sa pagitan nila ng kanyang anak na si Onyok.

(CLICK HERE for related story.)

Ngunit sa Facebook status niya kagabi, April 1, tila nagbigay na ng kanyang kasagutan ang award-winning actress at dating sexy star sa mga taga-press na gustong kapanayamin siya.

Sabi ni Osang sa kanyang status tungkol sa mga gustong mag-interview sa kanya:

“sa mga press na tawag ng tawag ...Pls lang Usaping pamilya ito..irespeto nyo naman..hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan ..Para ano Para saan????? makakagulo lANG kayo sa mga isyung dapat kaming mag ina ang involve, Wag nyo ng gamitin ang isyung to sa pag divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat..YAN ay ang mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.”

Sa status niya ring ito, nakiusap siyang huwag itulad kay Kris Aquino.

Matatandaang naging laman ng mga balita at naging usap-usapan sa buong bansa ang tinaguriang "Queen of All Media" dahil sa gulo nito sa dating kinakasamang si James Yap.

Damay rin sa pakiusap ni Osang na huwag itulad kay Kris, ang kapatid ng TV host-actress na si Presidente Noynoy Aquino.

Sabi pa ng dating "TF Queen" o "Titillating Films Queen" tungkol sa pakiusap niyang huwag nang magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ng anak:

“…HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT UMIIWAS NA AKO MATAGAL NA MAG PA INTERVIEW KUNG WALANG WAWA DIN NAMAN ANG PAG UUSAPAN. ang problema ng INA at ANAK ay di prublema ng BAYAN, kaya nakikiusap ako. MAG ISIP..TALAKAYIN AT PAG USAPAN ANG ISYUNG NAGBABAON SA ATIN SA KAHIRAPAN. Spare us pls....Para na lang sa NANAY ko.”