Matapos ang isang mahabang bakasyon, balik-trabaho na ngayon si Daniel Padilla.
Puspusan ang pagre-rehearse niya para sa kanyang birthday concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa katapusan ng Abril.
Mag-e-eighteen years old na sa i Daniel sa April 26 si Daniel, na John Ford Padila sa tunay na buhay.
Si Daniel ay anak ng aktres na si Karla Estrada sa action star na si Rommel Padilla of the famous Padilla clan.
Sumikat siya sa primetime drama na The Princess and I bilang si Gino katambal ni Kathryn Bernardo na nauugnay na sa kanya ngayon.
Ang unang movie nila na Must Be Love under Star Cinema ay kalalabas pa lang last month.
Sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda kanina, April 3, hindi maitago ni Daniel ang sobrang kasiyahan lalo’t pumayag si Kathryn na magkaroon ng special participation sa kanyang birthday concert.
Aniya, “Masaya dahil, di ba, yung trabaho ay dumire-diretso?
“Tapos, noong nagbakasyon, sobrang sarap ng feeling.
“Tapos, etong concert ko, hindi ordinaryong concert. Sobrang masaya.
“Tinitingnan na rin namin kung paano kakaiba siya doon sa ibang concert.
"Basta, sobrang rock and roll talaga siya.”
ROCK AND ROLL. "Rock and roll" ang magiging tema ng concert ni Daniel para sa mga tagahanga niya na manonood sa The Big Dome.
Makakasama niya rin dito ang Princess and I co-actors niyang sina Enrique Gil at Khalil Ramos.
Sa ngayon pa nga lang daw ay paubos na ang concert tickets na lalong nagpapakaba sa Kapamilya star, na isa na ring recording artist via his self-titled albumunder Star Records.
Sabi pa niya sa isang panayam, “Kinakabahan talaga ako, pero, sige lang.
“Handog ko ito para sa lahat ng nagmamahal sa akin kaya okay lang ako.
“Sana suportahan na lang nila ako.”
MOM’S ADVICE. Maging ang kanyang ina na si Karla Estrada ay hindi makapaniwala sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang anak.
Nabanggit ni Karla sa isang panayam ang laging pagpapaalala niya kay Daniel.
“Lagi ko siyang pinagsasabihan na ‘wag sayangin ang pagkakataon.
“I-embrace niya kung ano man yung opportunities meron siya ngayon.
“Sabi ko pa sa kanya na huwag alisin ang tiniwala sa kanya ng network kasi kapag nawala yun, wala na rin siya.
“I’m very proud of my son.”
TREK TO STARDOM. Matatandaan na si Daniel ay dinala ng yumaong pamosong talent manager na si Douglas Quijano sa ABS-CBN noong siya ay 16 years old pa lamang.
Pumanaw naman si Tito Dougs after two days.
Nasabi rin ng kanyang Tita BB Gandanghari kung gaano siya sa kasaya para sa kanyang pamangkin.
“I’m proud of this boy,” pagmamalaki ni BB kay Daniel.
“Siya yung magtutuloy sa magagandang ginawa ng mga Padilla sa show business industry.”
LOVETEAM. Samantala, hindi pa rin nawawala ang usap-usapan sa pagitan nina Daniel at Kathryn.
Nitong nakaraang Holy Week ay magkasama silang dalawa at ilang mga kaibigan sa Subic, Zambales.
Selebrasyon na rin ito ng 17thbirthday ni Kathryn, na napabalita pang niregaluhan ni Daniel ng isang mamahaling red bag.
Sabi ni Daniel, “Birthday niya noon, kaya ayun, nag-Subic kami.”
Tumanggi rin si Daniel na mag-elaborate tungkol sa regalo niya kay Kathry.
“Masaya ako na pumayag siyang magkaroon ng special number sa concert ko,” nangingiting sabi na lang niya.
