Hindi nababahala si Benjamin Alves sa mga intriga. Dahilan niya: “If you’re secure and have a family that supports you, you have a good foundation, okay na po yun. Kasama na yun, e... Ang ganda-ganda ng buhay!”

Photo: Noel Orsal

Back from his Holy Week vacation in Guam, sumabak agad sa trabaho ang Kapuso actor na si Benjamin Alves.

“It’s nice to re-energize, yeah!” masayang bungad ni Benjamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday, April 3, at a house in Sgt. Catolos St., Kamuning, Quezon City.

Katatapos lang kunan dito ang huling eksena ni Benjamin, o Ben, nang araw na iyon para sa indie film na Sana Dati, a Cinemalaya Filmfest 2013 entry. 

Higit pang naging memorable ang nakaraang bakasyon para kay Ben dahil sa Guam siya nag-celebrate ng kanyang 24th birthday last March 31.

“Got to see my family… they all live there. It’s nice to see them, needed it para lang ma-refresh,” sabi pa ng baguhang actor.

FRUITFUL YEAR. Wala pang isang taon o mag-iisang taon pa lang this coming May sa showbiz si Benjamin Alves.

Contract artist na siya ng GMA-7 sa pamamahala ng Mercator Talent Management ni Jonas Gaffud.

“Wala pang one year, but it seems like a long time ago,” pag-alaala ni Ben.

“A lot of blessings. I’ve been blessed! Yes, I’ve been blessed!” bulalas pa niya.

Binanggit niyang isa-isa ang mga mahahalagang tao na nagpursige at patuloy na nagpapatakbo ng kanyang propesyon sa showbiz.

“It’s really them... Jonas [Gaffud]. Yes, he’s really been significant dahil siya po talaga yung nag-push na pumunta ako sa GMA.

“Of course, sina Ms. Annette [Gozon-Abrogar], sina Sir Joey [Abacan], si Ma’am Lilibeth [Rasonable].

“They’ve been so supportive of me since the start,” sabi pa niya.