PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thea Tolentino on possibility of romance with Jeric Gonzales: “Mas iisipin namin na pagandahin muna yung career namin.”

Thea on why she likes Alden Richards as her leading man: “Naka-partner ko po siya sa Protégé, ano siya tala
by Rommel R. Llanes
Published Apr 6, 2013
Thea on why she and Jeric agreed not to get into any romantic relationship for the moment: “Kasi po ano... iyon nga po, napag-usapan namin na bago pa lang kami dito sa showbiz and kung may mangyayari agad na ganun [ligawan], baka mamaya baka kung ano'ng mga tsismis, ganun... tapos hindi namin masagot nang maayos.”

Hanggang ngayon ay buo pa rin daw ang isang milyong pisong cash prize na tinanggap ni Thea Tolentino bilang female winner ng Protégé October of last year.

“Sine-save po namin kasi nasa bangko lang po, tapos pinag-uusapan po ng parents ko kung paano iba-budget, kasi mag-aaral na rin yung maliit kong kapatid,” umpisang kuwento ni Thea sa PEP.ph. (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Teen Gen sa Carron Dreampark sa Nueva Ecija noong Huwebes, April 4.

Kahit ang condominium unit na bahagi ng premyo ni Thea ay hindi pa rin niya tinitirhan.

“Hindi pa po kasi ayun nga... ang layo ng Malate kasi from GMA-7... ang layo.”

Ang male winner ng Protégé na si Jeric Gonzales ay nakatira na sa kanyang napanalunang condo unit.

And speaking of Jeric (na incidentally ay taga-Calamba rin tulad ni Thea), hindi raw ito nanliligaw sa kanya, pero mas maganda raw ang relasyon nila ni Jeric ngayon bilang magkaibigan at magkasama sa dalawang shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kasi sa Teen Gen, kasama rin sina Thea at Jeric sa bagong drama series ng GMA-7 na Love & Lies na pinagbibidahan nina Richard Gutirrez, Bela Padilla at Michelle Madrigal.

Nakatakda itong ipalabas sa darating na Lunes, April 8, kapalit ng Temptation Of Wife.

CAREER BEFORE LOVE. Pinag-usapan daw nila ni Jeric na wala munang ligawan sa pagitan nila.

“Kasi po ano... iyon nga po, napag-usapan namin na bago pa lang kami dito sa showbiz and kung may mangyayari agad na ganun [ligawan], baka mamaya baka kung ano'ng mga tsismis, ganun... tapos hindi namin masagot nang maayos.

“Mas iisipin namin na pagandahin muna yung career namin,” diin niya.

Hindi lang daw sila ni Jeric ang may ganoong agreement.

“Lahat po kami, sinet namin yung mind namin talaga, lalo na kaming Top 6 ng Protégé... iyon po.”

At sixteen years old, wala pa raw nanliligaw kay Thea ngayon.

Bilang papasikat na female star ng GMA-7, wala raw maituturing na rival si Thea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala po akong iniisip na ganyan, wala po talaga.”

Basta gusto niya raw talagang mag-artista.

“Opo! Pero nung bata po ako hindi ko naisip na mag-artista, pero ang nasa isip ko lang gumaling sa pagkanta, 'yon.”

At napunta nga siya sa larangan ng pag-arte.

“Nung pagpasok ko po ng Protégé, singing lang yung alam ko, sa dancing at acting, wala. Tapos sa kalagitnaan ng show nagkaroon ako ng interes sa acting kaya nagustuhan ko rin,” dagdag niyang kuwento.

DREAM ROLE. May dream role nga si Thea…

Aniya, “Gusto kong mapasama sa mga fantasy na show. Dati ko pa pong gusto iyon. Gusto ko yung may powers, ako yung ganun.”

“Kasi po parang challenging at cute tingnan.”

Gusto rin daw niyang maranasan yung naka-harness at lumilipad bilang superhero.

“Gusto ko pong ma-experience iyon!”

IDEAL LEADING MAN. At ang nais niyang maging leading man bukod kay Jeric ay…

“Si Alden Richards!

“Kasi siya talaga yung mahusay. Bago mag-Protégé talagang napapanood ko siya talaga sa TV, sa show pa nila ni Louise [delos Reyes] yung Alakdana, hanga na ako sa kanya,” pag-amin ng dalaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kay Alden…

“Wala pa akong maisip, si Alden lang po ang nasa isip ko.

“Naka-partner ko po siya sa Protégé, ano siya talaga... ang gentleman, tapos magaling na artista, at guwapo,” patukoy niya kay Alden.

Walang girlfriend si Alden; ano ang magiging reaksyon ni Thea kung sakaling magustuhan at ligawan siya nito?

“A, hindi po, hindi iyon.”

Kababayan ni Thea si Alden sa Laguna.

FAVORITE ACTRESSES. Sa babaeng artista, may mga iniidolo rin siya, of course.

“Gusto ko pong maging kasing-galing nina ate Carla [Abellana]... si Ms. Marian Rivera.

“Kasi kahit saan mo sila ilagay, mapa-comedy or drama, kaya nila.

“Gusto kong maging kagaya nila,” saad niya.

Pagdating naman sa mga beauty contests, wala raw hilig si Thea sa sumali sa mga ganitong paligsahan.

“Hindi po kasi ako mahilig sumali sa mga ganun,” paglinaw niya.

Bukod kay Thea (na gumaganap na Angge) at Jeric (na gumaganap na Tiago), napapanood sa Teen Gen sina Gianna Revilla bilang si Madison; Juancho Trivino as Lucho; Enrico Abel Estanislao as JV; Gab de Leon as Jeff; Dianne Bernadette Hernandez as Lyca, at Sunyee Maluche as Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapanood ang Teen Gen tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng Party Pilipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea on why she and Jeric agreed not to get into any romantic relationship for the moment: “Kasi po ano... iyon nga po, napag-usapan namin na bago pa lang kami dito sa showbiz and kung may mangyayari agad na ganun [ligawan], baka mamaya baka kung ano'ng mga tsismis, ganun... tapos hindi namin masagot nang maayos.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results